ELOISA'S POV
ISANG MAINIT na yakap ang sinalubong sa akin nila Nanay Miling at Ate Suzy nang umagang nakabalik ako sa kulungan.
It's been five days and sadly, hindi na naman ako pinayagan na magpyansa. I'm starting to feel like someone is out there pulling all the strings para lang hindi ako makalabas.
"Patingin nga," ani ate Suzy at sinilip pa ang magkabila kong braso na nababalot pa din ng benda. "Tsk, mabuti na lang, hindi natamaan yung mukha mo."
"Alam mo ate Suzy? Para kang si Lemon. Iyan din yung pinagpapasalamat niya," nakangiti kong sagot dahilan para mapakamot siya sa batok niya.
"Kuh! Mabuti na lang at nakaligtas. Iyon ang dapat nating ipagpasalamat." singit ni nanay at hinawi-hawi pa ang buhok ko. "Mabuti na lang at nandito yung kapatid ni Ms. Yvette nung gabing 'yon."
"Sino po? Yung kapatid ni Yvette? B-bakit po?" Nagtataka kong tanong dahil wala namang nabanggit sila Yvette.
"Aba't hindi mo ba alam kung sino yung nagligtas sayo?" tanong ni Ate Suzy kaya mas napakunot ang noo ko.
"S-si Ziggy po. Ang alam ko po siya ang nagdala sa akin sa ospital, e." sagot ko. Iyob talaga ang natatandaan ko dahil siya ang naabutan ko noong nagkamalay ako. "H-hindi po ba siya yung tumulong sa akin?"
"Totoo naman na siya yung nagdala sayo sa ospital, nak. Pero iba kasi yung nakakita sayo." ani Nanay Miling.
"Sino po? Bakit walang nabanggit sila Ziggy?" Nagtataka ko pa ding tanong. "Ano po ba yung nangyari? Sino po yung nagligtas sa akin?"
"Si Ms. Yvette yung unang nakakita sayo. Sumunod din kasi siya sayo kasi nga nagtatagal ka na sa banyo. Ito namang kuya niya, sumunod din pala. Tapos iyon, nagulat kami kasi ito na, humahangos na si Ms. Yvette pabalik dito, tapos ang sabi niya, may nangyari daw sayo. Tapos ayon, ang dami nang nangyari." Mahabang paliwanag ni Ate Suzy.
"Ibig niyo pong sabihin, sila Yvette yung unang nakakita sa akin, tapos si Ziggy naman ang dagdala sa akin sa ospital. Tama po?"
Magkasabay silang tumango kaya natahimik ako. Wala naman kasing nababanggit sila Ziggy at Yvette.
"Ang balita pa nga sa amin nila Ms. Yvette, sinalinan ka din daw 'nak ng dugo. Galing din daw sa kuya ni Ms. Yvette kasi pareho kayo ng blood type." Dagdag pa ni Nanay Miling.
"I had no idea," bulong ko. "Dapat pala magpasalamat ako kay Yvette. At mas maganda kung makikita ko yung kuya niya para makapagpasalamat din ako saka kanya." Nakangiti ko pang tiningnan sila Nanay at Ate. "That man saved my life, twice. He must be an angel."
"Hindi lang 'yon. Gwapo pa." Komento ni Ate Suzy. "Kung ako ang tatanungin, mas gwapo siya kumpara kay Attorney Park."
"Ay ate Suzy, a? Ang gwapo-gwapo na ni Ziggy, mas pogi pa din yung kuya ni Yvette?"
"Aba'y oo nga. Hindi ba, 'nay?" Baling niya kay Nanay Miling at mahina pa itong siniko.
"Kuh. Malay ko. Para sa akin mas gwapo pa din si Attorney Park. Mukhang masungit yung kuya ni Ms. Yvette. Pang-mayabang yung datingan, e."
"Sus si nanay naman. May ipagmamayabang kasi yung tao," pagtatanggol pa ni ate Suzy. "Makita mo 'nay, mabait yon. Kita mo nga, iniligtas si Eloisa natin."
"Niligtas din naman siya si Attorney Park, a? Saka mas bagay sila ni Eloisa, pareho silang mabait."
"Mas bagay si Eloisa sa kuya ni Ms. Yvette. Ayos nga 'yon, e. Opposite attracts ika nga nila."
"Hind–"
"Nay? Ate? Anong bagay-bagay? Kayo, a? Para niyo akong binubugaw, e." Nakanguso kong awat sa kanila hababg nakanguso. "Kaibigan ko lang po si Ziggy. At yung kapatid naman ni Yvette, gusto ko siya–"
"Maging jowa?" Todo ngiting singit ni ate Suzy kaya mabilis ko siyang kinontra.
"Gusto ko siyang makilala para makapagpasalamat sa kanya personally."
"Sus. Ah basta, ipupusta ko pati pustiso ko, magki-click kayong dalawa. Ramdam na ramdam ko na perfect match kayo."
"Ngi. Di ko pa nga nami-meet yung tao, e." Komento ko at tinawanan na lang siya. "Ikaw talaga ate Suzy," naiiling ko pang bulong. "Pero I'm looking forward naman po ako sa pagkikita namin."
Ngumiti ako sa kanila bago damputin yung librong ipinahiram sa akin ni Apple. Malapit ko na 'tong matapos at sa tinngin ko, hihingi pa ako ng book recommendation sa kanya.
"Mag-attend ka ba sa activity ngayong araw?" Tanong ni Nanay Miling kaya tumango ako.
Tamang-tama. Makaka-usap ko si Yvette. I will ask her more about her brother.
"Lopez, may dalaw ka." Halos sabay sabay kaming napatingin sa pintuan kasunod ay ang biglang pagtayo ni Ate Suzy.
"Ako?" tanong ni ate at nagmamadali pang tumayo. "Sino daw po, ma'am?" Excited niyang tanong. "May kasama po bang bata?"
"Nako, wala. Kapatid mo lang,"
Kitang-kita ko kung paanong nawala ang pagkakangiti niya. "Okay po. Nay, puntahan ko po muna."
"Sige lang, nak." Tumango pa si nanay kaya kumaway naman ako kay Ate. Nang maka-alis na si Suzy, saka muling nagsalita si nanay. "Tingnan mo iyang ate Suzy mo, minsan na nga lang may dumalaw, may dala pang problema." Naiiling niyang kwento.
"Po? May problema po? Paano niyo po nasabi?"
"Yung kapatid kasi ni Suzy, pumupunta lang dito kapag may kailangan. Kadalasan pera. Tapos, ito namang si Suzy kahit mangutang dito, gagawin para wala nang masabi yung kapatid niya. Eh hindi naman mga maka-alala kapag walang kailangan."
"Eh sino po yung bata na sinasabi ni ate?" Curious kong tanong.
"Anak niya."
"Ah, may anak na po pala si ate?" Gulat kong tanong. Wala naman kasi akong ka-ide-ideya.
Wala pang sampung minuto, natanawan ll na si ate Suzy na pabalik. Namumugto ang mga mata at halatang hindi pa tapos sa pag-iyak.
"Nay…" tila isang paslit siyang yumakap kay nanay kay lumapit ako at hinagod-hagod ang kanyang likuran.
"Ate, bakit? May nangyari ba?" tanong ko.
"Nasa ospital daw si Monique, na-dengue. Kailangan daw nila ng pera." sagot niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak. "Di ko na alam ang gagawin ko,"
"Sandali, may natatabi pa akong pera." sabi ni nanay at kinuha ang makapal niyang bible. "Ito 'nak, o. Maliit lang 'to, pero ssna makatulong."
"Salamat po, nay." Sagot ni ate akmang aalis na kaya pinigilan ko siya. Kinuha ko yung bag na dinala ni lola nung nakaraan at kinuha doon ang puting sobre na naglalaman ng pera. Wala akong itinira maliban na lang sa sulat ni lola na magpasa-hanggang ngayon, hindi ko pa nababasa.
"Ate, sana makatulong," bulong ko at inabot sa kanya.
"Ang dami naman nito! H-hindi kita kaagad mababayaran nito," natataranta niyang sagot kaya ngumiti ako. "Sayo 'to e."
"Hindi ko pa naman kailangan. Gamitin mo muna, te." Ngumiti ako sa kanya at mahigpit na yakap naman ang naging tugon niya
"Napakabuti ng puso mo," aniya kaya napangiti ako.
Ngayon ko na lang kasi ulit narinig ang mga salitang iyon.
-
HINDI NA muna nagparticipate sa activities si Ate Suzy kaya kami na lang muna ni nanay ang um-attend sa klase ni Yvette. Maayos naman ang lahat at maaga din kaming matapos kaya nagkaroon kami ng chance para mag-usap.
Nang banggitin ko sa kanya ang tungkol sa kuya niya, laking gulat ko dahil ang bilis niyang tumatanggi.
"No means no."
"What? Bakit?" tanong ko. Of all people naman, itong si Yvette ang tila gulat na gulat nang malaman na gusto kong makilala yung kuya niya.
"Kalimutan mo na lang na nag-exist yung kuya ko. Okay?" sagot niya. "He's just no one."
"How can you say that? Kuya mo kaya 'yon. Wag gan'on." Nakalabi kong saway sa kanya. "And he saved me and I owe him my life now. Uhm? Please?" Pakiusap ko habang naka-hawak pa sa braso niya.
"Gets ko naman 'yon, kaya lang kasi… ah! Basta. Wag na. Ayos na 'yon." aniya kaya bimitaw na ako sa kanya.
"Gusto ko lang naman mag-thank you," bulong ko pa.
"Ako nang bahalang magsabi sa kanya."
"Yvette, seriously. Bakit ba ayaw mong makilala ko yung kuya mo?" tanong ko. "Give me one good reason."
"I have a good reason but I can't tell you," aniya at "Kung ako lang ang masusunod ayokong mag-cross ang mga path niyo."
"Bakit? Is it because of my situation?" Malungkot kong bulong. Wala naman kasi akong makitang dahilan para hindi-an ma yung request. "It's okay. Naiintindihan ko na."
"W-what? No. It's not like that." aniya at lumingkis pa sa braso ko.
"Then what is it? Tell me."
"Because…"
"Because?"
"I don't want you to hate me."
"Huh? A-ano namang kinalaman 'non sa kuya mo? Anong connect? Hindi ko gets?"
"Basta! Sa oras na makilala mo si kuya baka bigla kang lumayo sa akin. Baka magalit ka sa akin kaya I stand by my decision. I will never introduce you to him."
"Alam mo sa mga sinasabi mo, mas lalo lang akong nakumbinsi na kailangan kong makilala ang kuya mo."
"Eh wag na nga kasi! Masama ugali 'non. Mainitin ang ulo, moody at mayabang. As in sobrang yabang. One hundred one percent na oxygen ang laman ng ulo 'non."
"Believe me, kung payabangan lang alam ko na wala nang mas yayabang pa 'don sa kakilala ko." sagot ko. Nang sabihin niya kasi ng salitang mayabang, mukha kaagad ni Kenwood ang pumasok sa isip ko. "Kung may ranggo man ang mga mayayabang siya na siguro ang Founder."
"Ha. I doubt that," bulong niya at nag-iwas pa ng tingin. "If fate allows it na lang, okay?"
"Why make it hard if there is an easy way?" tanong ko.
She just gave me a straight face before she answered back, "Because there is no way I will help you, okay? If you want to thank him, fine. Ako na ang magsasabi sa kanya but please, drop the idea of meeting him."
"How about if we a deal?"
Sandali siyang natigilan bago ngumiti sa akin. "What kind of deal?"
"I'll agree with your Vlog Proposal but in exchange, you'll let me meet him." Ngumiti ako. Yvette really wants to have that interview kaya for sure, papayag siya.
"Tempting… but no." Nakangisi niyang tugon. "According to Ziggy, it's a very risky move. So, my answer is no."
"Ugh. Ang daya!" Reklamo ko at nginusuan pa siya.
"Everything is fair in love and war, girl. And in this case, magkakaroon talaga ng war kapag nagkataon," mahina pa niyang komento habang naiiling pa.
-