CHAPTER 21

1233 Words
ELOISA'S POV DESPITE OF the massive dedication, hindi ko talaga nagawang makumbinsi si Yvette na pumayag sa gusto ko. Kahit ang pangalan ng kuya niya ayaw niyang ipagbigay alam sa akin. All my efforts, lahat iyon walang binatbat at effect sa kanya. Hindi ko pa din talaga maisip kung ano yung iniiwasan o kinatatakutan niya kung sakali na magkakilala kami ng kuya niya. I just want to thank him, and if possible, I would love to be friends with him as well. "Girl, I'll go ahead na." Paalam ni Yvette kaya matamlay akong tumango. "Ano ba? Cheer up na girl. You'll have wrinkles na talaga if you keep looking like that." Biro pa niya kaya nginusuan ko siya. Alam naman niya kasi kung ano ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito at kung paano niya mababago ang mood ko. "Don't give me that face." aniya. "You know that I love you but please, stop doing that face." "Wala bang kahit anong clue?" tanong ko pertaining to her brother's identity. "Kahit first letter lang ng first name?" "Fine. His second name starts with letter L. I won't say anything else to you." sagot niya at nagdemonstrate pa na isinasara na parang zipper ang kanyang labi. "L..." bulong ko habang nakangiti. "Thank you," "Ugh. Please don't thank me dahil hanggang d'yan na lang talaga ang sasabihin ko." aniya kaya mas malalo akong napangiti. "Can you please tell your brother L that I am very thankful?" "Fine. Whatever," aniya at inirapan pa ako. "Sa apartment nga pala ako matutulog ngayon," aniya. Halata naman na binabago niya nang sadya yung usapan. "I-kumusta mo na lang kami kila Apple," sagot ko naman. Yung apartment kasi na sinasabi niya, doon niya muna pinapag-stay yung tatlo. Ang sabi ni Yvette, nagja-job hunting pa sin yung tatlo at medyo nahihirpan silang mkahanap nang dahil nga sa may criminal record na sila. Tsk. Kasalanan talaga 'to nung mga lalaking nag-frame up sa kanila e. Speaking of, nasaan na nga kaya yung mga lalaking 'yon? Sana lang pinagbabayaran na nila ang mga kasalanan nila. Nang tuluyan nang makaalis si Yvette, sabay na kaming bumalik ni nanay sa selda namin. Naabutan namin sa loob si ate Suzy na mahimbing na natutulog. Namumugto pa din ang mga mata niya nabg dahil sa sobrang pag-iyak. Siguro, alalang-alala na siya para sa anak niya. Lumapit ako sa kanya at inayos ang pagkaka-kumot niya. Mabuti na lang at hindi na niya namalayan ang pagdating namin, mas mainam na magpahinga na muna siya. "Nak, maliligo lang muna ako," aniya kaya tumango ako. "Nako, ubos na pala yung sabon ko. Sandali at bibili ako saglit," aniya kaya mabilis ko siyang inawat. "Ako na, 'nay. Dito ka na lang po," presinta ko pa. May maliit kasing tindahan dito sa loob ng kulungan at doon kami bumibili ng mga supplies namin kapag nauubusan kami. Malapit lang naman sa selda namin yung pinaka-tindahan. Ni hindi ako makakarating sa main hall. "Kumusta na pakiramdam mo, Miss Best Actress?" tanong sa akin ng isang inmate na nadaanan ko. Isa siya sa mga nakakainitan ni Lemon nung nakaraan. "Siguro nga masamang damo ka, akalain mo 'yon? Hindi ka pa natuluyan?" aniya na sinundan naman ng pagtawa nung iba kahit wala akong nakikitang nakakatawa sa sinabi niya. Yumuko na lang ako at sinubukan na huwag siyang pansinin pero ayaw niya talaga akong tigilan. Humarang siya sa daraanan ko at dinukwang pa ako. "Naputol ba dila mo? Bakit wala kang kibo?" Nakangisi niyang tanong at hinawi pa ang buhok ko. "Wala na sila Lemon, no? Wala ka nang kakampi. Awww, ang sad naman." "Ayoko po ng gulo," bulong ko at iniwasan ang kamay niya na patuloy pa din niyang pinansusuklay sa buhok ko. "Naks! Lakas maka-linya sa pelikula, a?" Itinuro pa niya ako sa mga kasamahan niya na pawang mga nagtatawanan lang. "Baka akala nasa shooting. Pakitaan mo nga, direk!" Sabat ng isa dahilan para mas lapitan ako nung kaharap ko. Umatras ako. Umabante siya. Ilang beses na ganoon ang ginawa namin hanggang sa maramdaman ko sa likuran ko ang rehas na bakal. Lumpit siyang muli at seryosong bumulong sa kaliwang tainga ko kaya napapikit ako. "Paano ba 'yan? Pakitaan daw kita?" "Anong nangyayari dito?" Para akong nabuhayan nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. "Nag-aaway ba kayo?" tanong niya na mabilis na itinanggi ng iba. "Nako, hindi po. Kinakausap lang po namin si Miss Best Actress, diba?" Sagot nito at humanap pa ng sasang-ayon sa kanya. "Totoo ba 'yon, Serdantes?" tanong niya sa akin kaya dahan-dahan akong tumango. "Bakit ba nandito ka?" "S-soup. I need to buy soap." sagot ko na tinanguan nama niya. Lumapit siya sa akin at sinenyasan ang iba na bumalik na sa mga selda nila. "T-thank you," pagpapasalamat ko pero inirapan niya lang ako. "Why are you thanking me?" Iritable niyang sagot pero sinenyasan naman niya ako na sumunod sa kanya. Ako naman itong magaling, sumunod naman din. "You shouln't be lurking around here alone. Maraming galit sayo dito, remember?" "Bibili lang naman kasi ako," katwiran ko. "Okay naman sila nung nakaraan, e." bulong ko pa habang nakasunod sa kanya. "No they're not. Hindi lang sila maka-palag sayo dahil palagi mong kasama sila Lemon." "Ibig mong sabihin, yung malalaking 'yon takot kay Lemon? Parang wala namang logic 'yon," bubod ko pa. "I don't make the rules, okay? And besides, hindi naman sa takot sila. Sadyang ayaw lang nilang maging kaaway sila Lemon. Mabuti silang kaibigan pero hindi sa mga kaaway nila." Mahaba niyang sagot kaya napangiti ako. Ito na yata ang pinakamahabang pag-uusap namin na hindi niya ako pinagbibintangan o kaya naman tinatakot. Nang makabili na ako ng kailangan kong sabon para kay nanay Miling saka ako ulit nagsalitan. Sabi ko, "Mabuti na lang dumating ka kanina." "Yeah. Obviously," matipid niyang sagot kaya nakagat ko ang lower lip ko. Tapos na yata yung subscription ko sa free trial ng matinong pakikipag-usap sa kanya. "Galing ako sa selda mo, wala ka don kaya hinanap kita." "Ako? Hinanap mo? Bakit?" Nagtataka kong tanong. Last time I checked, ayaw niya sa akin. Bakit niya naman ako hahanapin? "May bisita ka." sagot niya kaya napahinto ako. "Sino? Si lola ba? Hindi niya pwedeng makita na puro benda ako! Mag-aalala 'yon!" Nagpapanic kong sagot. "It's not her, actually. It was someone else." She immediately responded. "Ah, okay. Buti naman," bulong ko. "Baka kasi tumaas bigla ang dugo ni Lola kapag nalaman pa niya yung nangyari." Ngumiti ako sa kanya pero kaagad din siyang nag-iwas ng tingin. "About that... I... I'm sorry if that happened to you." naiilang niyang bulong. Hindi ko alam kung para saan yung sorry niya. Hindi naman niya kasalanan ang mga nangyari. Last time I checked, at sa pagkaka-alala ko, hindi naman siya yung mysterious person na nanakit sa akin, e. "It wasn't you who stabbed me. Kaya wala kang dapat na i-hingi ng apology." sagot ko sa kanya. Tahimik na lamg ulit kaming naglakad papunta sa visitation room. Nang nasa tapat na kami ng nakasaradong pintuan, saka ako muling nag-tanong. "So sino nga ulit yung bisita ko?" "Y-you'll find out soon." aniya kaya bahagya akong natawa. "I believe he have some good and bad news for you," sagot pa niya bago buksan ang pintuan. Nakangiti kong sinilip kung sino itong bisita ko pero kaagad din na nabura ang masaya kong ekspresyon. Likod pa lang, kilala ko na kung sino itong bisita ko. *-*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD