ELOISA'S POV
LONG SILENCE.
Hindi ko alam kung gaano katagal subalit ilang minuto na mula nang maupo ako sa tapat niya subalit nanatiling tikom ang bibig niya. Hindi ko din malaman kung ano ang dapat kong sabihin dahil siya naman itong mukhang may kailangan sa akin.
I cleared my throat to get his attention. Binigyan ko pa siya ng matipid na ngiti nang finally ay nagtama ang mga mata namin. "Kung nandito ka para kumbinsihin ako na magpalit ng abogado, better luck next time. Hindi pa din nagbabago ang isip."
Imbis na sumagot, nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. He examined my body which is covered with bandages and sighed again.
So it wasn't about that?
"M-may problema ba?" tanong ko pero inilingan niya lang ako. It somehow feels… weird. Para kasing may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
"Your trial date is out." aniya kaya biglang kumabog ang dibdib ko. Kung ikukumpara, mas grabe yung nararamdaman kong tensyon ngayon kumpara sa naramdaman ko noong nalaman ko na nominado ako sa Gawad Parangal. "This coming Monday,"
"G-ganoon ba?" bulong ko. "I guess that's better. Mas maaga yung trial, mas maaga din akong makaka-alis dito." Ngumiti ako sa kanya at hinintay ang magiging tugon niya.
"Are you confident?" tanong niya kaya tumango ako kahit pa masyado na akong kinakabahan. "I see," Narinig ko pa na bulong niya.
Muling namagitan ang katahimikan sa aming dalawa kaya ako naman ang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "It was a long and tiring battle. I never thought that two months can be this long," bulong ko.
"If things don't go well with your plans, you'll be stucked here for life," sagot niya kaya mapait akong napangiti.
"If that happens, ibig sabihin, may mali talaga sa sistema." tugon ko. "But do you know what I feared the most right now?" tanong ko habang nakatingin nang tuwid sa mga mata niya. I just noticed, he has a pair of light brown eyes. So beautiful…
"Dying here?" Suhestiyon niya kaya bahagya akong natawa.
"No. That almost happened few days ago," sagot ko habang nakayuko. "What I feared is not death anymore." I murmured.
"Then what is it?" He asked. He looks genuinely curious so I smiled before I answer his question.
"Unjust." Mabilis kong sagot. "I fear that the truth will never unvail. Na hanggang sa huli, hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Sky. I feel bad for him."
"I guess you're that confident then," aniya habang tumatango pa.
"To be honest, hindi din." Pag-amin ko. "I'm not that confident, actually. Para akong kandila na nauupos. Habang nagtatagal ako dito, malayang gumagala sa labas yung totoong pumatay kay Sky. And that drives me crazy. Apart from being excluded with this mess, all I want is justice for my bes friend."
"Then, prepare yourself because you can't have both." sagot ko kaya napakunot ako ng noo.
"What do you mean I can't have both?"
"There are loopholes in the case. There's no solid proof against you. So, there is a high chance of this case being turned over." aniya kaya napakunot ako ng noo.
"What do you mean?" tanong ko.
"As of today, wala pa ding murder weapon na nakikita. Mga heresay lang din ang mga testamonies against you. Kapag ganoon ang nangyari, walang choice ang hukuman kung hindi ang i-turn over a case. Meaning, we can't proceed with the trials not unless may mga bagong ebidensya na lalabas."
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip dahil may ilang mga katanungan ako na gusto kong masagot. "In this case, like what you wanted, mapapawalang-sala ka but only because of lack of evidences. You are still the only person of interest."
"You're making it sound like everything will just stop," sagot.
"Because technically, it will." seryoso niyang sagot.
"But what about Sky? Paano natin malalaman kung sino yung totoong pumatay sa kanya kung basta na lang ititigil ang imbestigasyon?" tanong ko. "Hindi pwede…" bulong ko.
"That's how it works. You suffer then he receive justice. If you get out of it, meaning no there is no justice served."
"But I didn't killed him," bulong ko. 'Why does it had to be… me?" I tried not to cry but I choked. I bit my lower lip and cleared my throat.
'No, Eloisa! This is no place for tears.'
Awat ko sa sarili ko.
"So what's your plan now?" tanong niya. "What are you planning to do?"
"None so far," bulong ko.
"I hope staying alive is one," bulong ko kaya napakunot ako ng noo. "Anyways, I have to go now." Tumayo na siya napatayo din ako at hinawakan pa siya sa braso. He glanced at me and my hands so I let go immediately.
"Why are you here?" tanong ko.
"Stupid, tch. You should have asked me that earlier." he said. He sounded like he is trying to surpass his laughter. With that reaction, automatic na tumaas ang kilay ko.
"Eh bakit ka ba kasi nagpunta dito?" Masungit kong tanong. Siya itong parang ewan na basta-basta na lang pumupunta dito tapos tatawagin niya akong stupid? Minsan talaga nakakapanginig ng laman itong lalaking 'to. Okay na kami kanina e. Normal na yung usapan namin tapos biglang babanat ng ganoon?
"We just finished talking. Isn't that enough?" aniya.
"Aba malay ko kung may iba ka pa talagang pakay? Kasi yung mga sinabi mo, pwede namang si Ziggy ang magsabi sa akin. Hindi mo kailangang mag-effort na puntahan ako dito, bigyan ng update tungkol kaso ko at tawagin akong stupid. Okay?" Mahaba kong litanya tabang nakataas pa din ang kilay. Sunod-sunod ang mga salita kaya halos habulin ko ang aking paghinga ngayon.
"Y-yeah. You're quite right about that," mahina niyang bulong na sinabayan pa niya ng pagtango. Para bang ngayon lang niya napagtanto yung mga sinabi ko. "I… I better go," aniya at nagmamadali pang umalis at iniwanan akong mag-isa.
Narinig ko pa na tinawag ni Officer Salas si Kenwood pero mayamaya lang, pumapasok na siya at bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"What happened? He look… I don't know… flustered?" tanong niya kaya nagkibit-balikat ako.
"Basta na nga lang ako nilayasan, e." sagot ko habang nakalabi. "No offense meant pero hindi kaya may problema na sa utak yung isang 'yon?"
"Well, they say there is a tin line between him being a prodigy and insane." Naiiling na biro ni Officer Salas kaya bahagya akong natawa. "Anyways, sobrang weird ng itsura niya. Sa tinagal-tagal na pagiging magkaibigan namin, ngayon ko lang siya nakitang ganoon ang itsura."
"Baka sinamaan ng tiyan," suhestiyon ko na lang.
'Ano kayang problema 'non?'