CHAPTER 23

2050 Words
CHAPTER 23 MY REMAINING days before the first trial was nothing but ordinary. Sa laki ng pasasalamat ko, hindi na naulit yung huling beses na muntikan na akong makuyog ng ibang mga inmates. Malaking bagay na siguro na rin siguro yung halos minu-minuto na pagbuntok sa akin nila Nanay Miling at Ate Suzy. Nai-kwento ko kasi sa kanila yung nangyari nitong nakaraan. Kaya ayon, hindi na sila pumapayag na aalis ako nang walang kasama. Ilang araw matapos ang pagbisita ni Kenwood, nagpunta din naman si Ziggy para sa sabihin sa akin ang mga sinabi ni Kenwood. See? Pwede naman kasi talagang hindi na siya mag-abala na puntahan pa ako. Si Yvette naman, halos hindi ko naramdaman dito ng mga nag-daang araw. Ang sabi nila Appele noong nakaraan na napadalaw sila, may inaasikaso lang daw itong mahalaga, pero pakiramdam ko, umiiwas lang talaga siya sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni ate Suzy habang nakahiga na kami at naghahanda para sa pagtulog. “Kinakabahan ka ba? O excited?” “Parang both po.” Nakangiti kong sagot kahit na nasa kisame ang aking paningin. “Sana walang mangyaring aberya. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ‘to.” Bulong ko pa. “Ïbig ba’ng sabihin, handa ka nang kalimutan ang lahat? Kasama ba kami ‘don?” tanong din ni Nanay Miling kaya napabalikwas ako nang lingon sa kanya. “Asus! Nagtampo ka pa, ‘nay!” sagot ko at gumulong pa papalapit sa kanya. Yumakap ako nang mahigpit sa kanya bago bumulong, “Alam mo ba ‘nay, sa lahat ng mga nangyari sa akin sa nakalipas na mahigit dalawang buwan, kayo ang pinakapinagpapasalamat ko.” “Kuh! Binola mo pa ako!” aniya kahit halata namang kinikilig din siya. “Totoo nga po. Kung hindi ko siguro kayo nakilala o kaya iba yung nakasama ko, baka nag-give up na ako first day pa lang.” pangungumbinsi ko sa kanya. “Once na makalabas ako dito at maibalik ko na sa dati ang lahat, gagawa ako ng paraan para maibalik ko sa inyo yung kindness na ipinakita niyo sa akin.” “Hindi mo kailangang gawin ýon, nak. Ginawa lang naman naming kung ano yung tama. Tao ka, totoo man o hindi ang ipinaparatang nila sayo, hindi ‘non mababago ang katotohanan na tao ka pa din. Tao lang din kami at wala sa kamay namin ang batas.” “Pero nay, sino nga ba talaga ang tunay na sinusunod ng batas?” tanong ko. “Curious lang ako.” “Wala namang masama sa batas. Ginawa ang mga ýan para mapangalagaan ang mga Karapatan ng tao. Alam mo kung ano ang masama? Mismong mga tao din. Iyan ang palagi mong tatandaan, likas na ganid ang pag-iisip ng mga tao.” Aniya at pagkaraan ay humikab. “Matulog na tayo. May napaka-halagang araw kang haharapin bukas. “Good night po,” bulong ko at saka pumikit na din. *-* HALOS PANLAMIGAN ako ng paa nang salubungin ako ng sandamakmak na tao mula sa iba’t-ibang sangay ng media. Pagkababa na pagkababa ko pa lang, inulan na kaagad ako ng mga katanungan. Daig ko pa ang sumalang sa fast talk. Mula sa telebisyon, radio hanggang sa malalaking newspaper company ay pare-parehong nandito at hindi magkamayaw sa pagkuha ng litrato. “Please, back off.” ani Ziggy habang pilit akong ikinukubli mula sa mga reporter na akala mong mga zombie na sabig na makakain ng tao. “We will not entertain any questions. Please, give us a way.” “Miss Serdantes, totoo ba ang mga paratang sayo?” “Ano ang motibo mo para gawin ang krimen na ito?” “How about your career? Are you planning on retiring?” “May kasabwat ka ba sa nangyaring pagpatay?” “Miss Serdantes, a few words from you please?” Sunod-sunod ang mga katanungan na ibinabato nila sa akin. Halos mabingi ako sa pinahalo-halong mga boses niya. Hindi rin ako komportable sa maka-ilang ulit napag-ilaw ng flash ng mga dala nilang camera. The noise and scenes were all familiar to me. Sanay naman akong humarap sa maraming tao subalit may kakaiba akong nararamdaman sa pagkakataon na ito. Pero ramdam ko at alam ko na hindi na katulad ng dati ang sitwasyon ko. Their harsh words used to be compliments. Their nasty and judging looks used to be full of adoration. “You’re making her uncomfortable.” Pare-pareho kaming natigilan nang dahil sa lalaking nagsalita. Nag-angat ako ng tingin at hindi ko malaman kung paano ie-explain ang biglang pagtriple ng bilis ng pagtibok ng puso ko. “This commotion is causing us some delays. Move away or I will ask the court to ban everyone from thr media,” aniya kaya isa-isang nagtigilan ang mga reporter sa kani-kanilang ginagawa. “Thanks, dude.” Mahinang bulong ni Ziggy pero inismiran lang siya ni Kenwood. “You should do better in protecting your client, Zigmund,” seryoso niyang bulong bago nauna nang pumasok sa loob. "Eli, let's go?" ani Ziggy kaya tumango ako at nagpatangay na sa paglalakad niya. Pagkapasok na pagkapasok namin, natanawan ko kaagad sa bandang unahan si Lola Lorna. Katabi niya sa upuan si Yvette na banayad pa na kumaway sa direksyon namin. Kasama din nila sina Apple, Peachy at Lemon kaya ngmiti ko. Seeing them makes me feel encouraged. Subalit, nabura din ang pagkakangiti ko nang matamaan ng aking mata ang kabilang side ng silid. Tita Maricar was there. Nandoon din sina Cloud at tito Thunder pero ang nagpapabigat ng kalooban ko ay ang makita sa panig nila maging pati ang dalawa kong pinsan, sina Coco at Mia. "This way," ani Ziggy kaya tumango ako at sumunod sa kanya. Muli akong lumingon sa side nila tita Maricar pero sa pagkakataon na ito, nanatili kay Kenwood ang mga mata ko. Seryosong-seryoso ang ekspresyon niya at tila ba may sinasabi siyang mahala kay Cloud. As if on que, sabay silang napatingin sa akin at bigla na naman akong nagpanic nang dahil sa di ko maipaliwanag na dahilan. Pasimple na ngumiti sa akin si Cloud kaya ganoon din ang ginawa ko bago naupo nang tuwid at tahimik na hinintay na mag-umpisa ang hearing. - Katulad nang mga naunang nasabi sa akin nila Kenwood at Ziggy, isa-isang inilatag ang mga ebidensya laban sa akin. Nauna nang ipinakita ang mga actual photos mula sa crime scene at hindi ko malaman kung paano ko natagalan na makita ang itsura ni Sky. His room was full of blood splatter. Hindi ko na rin makilala ang kulay puti niyang bedsheet dahil naging kulay pula na ito. Dahil wala pang murder weapon, isa-isa nang pinagsalita ang mga nakuha nilang witness. Halos pare-pareho lang ang sinasabi nila, na ako ang huling kasama ni Sky bago ito mamatay. "Tatlong araw po bago matagpuan si Sky, narinig ko po na nagtatalo sila ni Eli." Kwento ni Coco. "Hindi ko lang po malinaw na narinig kung ano yung pinagtatalunan nila." "Hindi malinaw sayo kung ano ang pinagtatalunan nila. Same as, hindi rin malinaw at matibay kung may pinagtatalunan nga ba talaga sila. Your Honor, we can't accept heresay as evidence." ani Ziggy at ngumiti pa bago naupo sa tabi ko. "Attorney Kenwood?" Baling ng judge kay Kenwood pero magalang siyang tumanggi. "Do we have any other evidences against the suspect?" "Her fingerprints were found in the crime scene your Honor," ani Kenwood. Tumayo ulit si Ziggy bago magsalita, "My client admitted that she went to the victim's house that night. Siya ang naghatid kay Mr. Sy sa Condo Unit nito ng gabing iyon. Of course, she can't avoid leaving her fingerprints in the area." "Any rebut?" tanong ng husgado pero nanatiling tahimik si Kenwood. "What are you doing? Do something! Say something!" Narinig kong sigaw ni Tita Maricar. Nakita ko pang inaawat ni Cloud ang mommy niya dahil kanina pa nito pilit na inaabot si Kenwood. "Mom, please. Enough already. Stop this!" "No! I won't stop! I will never stop!" "Order in the court! Silence!" Utos ng hukom habang paulit-ulit na pinupukpok ang hammer-like niyang kahoy. "Ilabas niyo muna si mommy," utos ni Cloud sa mga body guards na kasama nila. Nang makalabas na sila tita Maricar, muling nagpatuloy ang hearing ng kaso. Nagpalitan lang ng argumento sina Kenwood at Ziggy hanggang sa dumating na ang pinakahihintay kong sandali. "Case Dismissed. This court is adjourned." “All rise.” Hinayaan kong umagos ang saganang luha mula sa mga mata ko habang sinusundan ng tingin ng pag-alis ng judge. The long wait is over. Sa wakas! Matapos ang ilang buwang pagdurusa mula sa kasalanang hindi ko naman ginawa… napatunayan ko na rin sa hukumang ito na inosente ako. God knows that I can't and I will never do such things. "Mamatay tao ka! You deserve to be hanged till death!" "Baka ginamitan ng ganda at katawan kaya na-abswelto sa kaso niya." "Kakarmahin din 'yan." "Dapat sa kanya, mabulok sa kulungan. Baka sa huli, lahat tayo patayin na ng babaeng 'yan!" Iniyuko ko ang aking ulo at tahimik na linunok ang masasakit na salitang binabato nila sa akin. Killer. Murderer. Psychopath. Ilan lamang sa mga salitang iyan ang tawag ng lahat sa akin. Hindi rin ako sigurado kung bakit ang dating tinitingala at ginagalang na Eloisa Serdantes ay isa nang kriminal sa mata ng lahat ng tao. “It's okay. You know the truth.” Mahinang bulong sa akin ng isang lalaki na kahit sa panaginip, hindi ko inaasahang magpapagaan ng kalooban ko. “You never killed anyone, right?” Hindi ko magawang sumagot sa tanong niya kahit pa iyon ang matagal ko nang pinaglalaban. He smiled and offered his right hand. “Helping you means ending my own career, but I'm glad that the truth is finally out.” Instead of accepting his hand, I hugged him. Ramdam ko ang bahagyang pag-stiff ng kanyang katawan pero hindi ko na iyon pinansin. “T-thank you.” bulong ko at sa unang pagkakataon mula nang magkakilala kami, I let myself burst into tears kahit pa nakamata pa rin sa akin ang lahat. “But this is not the end. I promise.” Kahit pa napawalang sala ako, hindi pa tapos ang laban. Gusto kong mapatunayang inosente ako. Gusto kong linisin ang pangalan ko. Higit sa lahat, gusto kong mahanap ang totoong kriminal na pumatay sa kaibigan ko. "Eloisa!" Narinig kong tawag sa akin ni Lola Lorna kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanya. Mahigpit akong yumakap sa kanya at parang paslit na nagsusumbong. "Zigmund, salamat ha? Kung wala ka baka kung napaano na itong si Eli ko." "Nako, 'la. Ginawa ko lang po ang trabaho ko." Nahihiyang sagot ni Ziggy. "Oh paano po? Kailangan pa po namin bumalik ni Eloisa. Bukas na lang po kayo magkita sa official na paglabas niya." "Nakita ko kanina ni Yvette," bulong ko. "Ah oo. Nagmamadaling umalis kanina. Ang sabi may susundandan daw siya, e." sagot ni Apple kaya wala sa loob na napatango ako. "Oh, paano ba 'yan? Mako-kompleto na ang fruitsalad squad." ani Lemon at nagchacha pa sa harapan namin. "Pero in all fairness, hoy Lychee! Sabi mo panget yung abogado nila Sky?" "Huh? Wala naman akong sinasabi, a?" Nakalabi kong sagot at napatingin pa kay Ziggy. Nakakahiya kasi. Baka mamaya isumbong niya ako kay Kenwood. "Sabi mo, panot at matanda na." "Kayo lang nagsabi 'non, a? Uy, promise hindi. Wala akong sinasabing gan'on." Umiiling ko pang pagkumbinsi kay Ziggy. "Ikaw, a? Kapag nalaman ni Iñigo yung mga sinasabi mo, magagalit 'yon," aniya at tinawanan pa ako. Naglalakad na kami pabalik sa sasakyan nang muli niyang banggitin ang tungkol sa mga sinabi nila Lemon. "Ziggy!" Awat ko pero tinawanan niya lang ako. "Sila lang nagsabi 'non, e." Bubod ko pa. "Teka nga, maiba ako. Ako lang ba o parang ang weird ni Attorney Kenwood kanina? Ni hindi siya masyadong nagsalita?" Hinintay ko ang magiging sagot niya subalit nanatili lang siyang tahimik. "Saan din kaya nagpunta si Yvette? Hindi manlang nagpakita sa akin. Para tuloy niya akong pinagtataguan." "Uhm. Maybe she has a very important errands to do," sagot ni Ziggy. "Katulad ng?" "I don't know. Baka manunuyo ng tinotopak na unggoy," mahinang bulong ni Ziggy. "Ng ano?" "Ugh, nevermind." sagot niya at ngumiti pa sa akin. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD