ELOISA'S POV
"WELCOME HOME, ELI!"
Malakas na pagbati sa akin nila Lola nang makapasok na ako sa loob ng bahay namin.
Hindi ko napigilan ang luha at at nagmamadali pa na yumakap sa kanila. Kumpleto sila. Nandito sina Lola Lorna, Apple, Peachy at Lemon. Si Ziggy naman ang nagsundo at hatid sa akin mula sa kulungan.
"Nag-abala pa kayo," bulong ko habang nakatingin sa mga pagkain na nakahain sa dining table. May banner din na nakasabit sa kisame at napapalamutian ng lobo ang buong receiving area namin.
"Punong-abala s***h punong-kusinera ang peg ni Lola Lorna kanina kung nakita mo lang!" bulalas ni Lemon.
"Aba't syempre!" Pagsang-ayon ni lola kaya muli akong lumingkis ng yakap sa kanya.
"Thank you. For not giving up," bulong ko kaya sa kanya dahilan para mapangiti siya.
"Anything for you, apo." tugon niya at yumakap din sa akin. "O sya, kumain na tayo. Kanina pa binabakuran ni Peachy itong Shanghai ko."
Nagtawanan kaming lahat dahil bigla na lang umusli ang nguso ni Peachy na kumikintab pa dahil sa mantika.
"Bakit wala si Yvette?" bigla kong tanong. "Hindi daw ba siya pupunta?"
"Papunta na 'yon. Sagot niya ice cream, e." sagot ni Apple kaya napatango ako. "Magcommute lang din kasi siya. Coding daw siya e."
"Dapat pala dinaanan na natin siya e." Baling ko kay Ziggy na abala na sa pagkain ng pancit.
"Nag-offer naman ako pero ayaw niya. May dadaanan pa daw siya, e." sagot ni Ziggy kaya hinayaan ko na. Kumuha na lang din ako ng pagkain ko dahil na-missed ko talaga ang mga luto ni lola.
"Teka nga pala, girl. Ano nang plano mo?" tanong ni Lemon.
"May mga projects akong naiwanan. Haharapin ko na muna siguro ang mga 'yon." sagot ko. "But first things first, kailangan kong makipag-usap sa Angency ko."
"About that," ani Ziggy at inabutan ako ng isang brown envelope. "They sent this to you. I was planning to give this to you some time later but now what we're on the topic, you should see it now."
"Ano ba 'to? Love letters?" Nakangiti ko pang biro pero nawala ang pagkakangiti ko nang mabasa ko ang laman ng envelope. "Termination Contract?" Nagtataka kong tanong. "Seryoso ba 'to?"
"Not only that. They are demanding you to pay a fine of 1.5M pesos for breach of contract."
"One point what? Breach of contract?"
"They claim that because of the recent murder scandal, most of their investors pulled out. Pina-cancel na din nila ang lahat ng mga product endorsements mo."
"Bakit gan'on? Wala na nga akong trabaho tapos may utang pa ako sa kanila, ganon?" tanong ko ulit habang pinapasadahan ng tingin ang mga dokumento na nasa harapan ko.
"Eh saan ka kukuha ng pambayad sa kanila, girl?" tanong ni Apple.
"May savings pa naman ako. Siguro aabot na 'yon." sagot ko. "Ang iniisip ko na lang, paano kapag naubos yung ipon ko?"
"Wala ka ba'ng investments?" Ziggy asked. Umiling ako bilang sagot.
"Paano magkakaroon ng investment ang batang 'yan, onting ingit lang ng mga pinsan niya ibinibigay kaagad. Oh nasaan na yung mga tinulungan mo noon?" Nakasimangot na singit ni Lola.
"Lola naman," awat ko sa kanya dahil sesermonan na naman niya ako.
"Guess who's here?"
Sabay-sabay kaming napatingin sa bagong dating.
"Yvette!" We all shouted in unison.
"Me and my kuya!" aniya at tila may sinesenyasan na pumasok din.
"He's here?" Excited kong tanong kasabay ng aking pagtayo.
"Yes, he's here but don't get too excited. Okay? Kuya, lika na dito! Stop being pabebe!" ani Yvette. "Wait nga!"
"Ziggy, he's here! L is here!" sigaw ko at niyugyog pa si Ziggy kaya hindi niya magawang isubo ang tinidor niyang may laman na pancit.
"Sinong L?" He asked.
"My saviour. Yung kuya ni Yvette!"
"L? Are you sure?" Kunot-noo niyang tanong kaya tumango ako. "Ah... gets ko na. Goodluck."
"Goodluck? Bakit?" tanong ko. Tinawanan niya lang ako kaya naisip ko, baka pinagti-tripan niya lang ako.
"Halika na! Bakit ba nagbago bigla ang isip mo!" Narinig naming sigaw ni Yvette.
"Tch. Uwi na ako."
Napakunot ako ng noo. Pamilyar kasi sa akin yung boses na 'yon.
"My God! Iñigo Luiz Kenwood grow up!"
"Kenwood?" bulong ko at binalingan si Ziggy na nakatingin din pala sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa kaya ibinaba ako ang hawak kong pinggan at sinundan na sila Yvette sa labas.
"Kuya naman, ayan ka na naman. You agreed tapos biglang magbabago isip mo."
"I just don't think it's right. Hindi tama na pumunta pa ako dito, e."
Narinig kong argumento nilang dalawa.
Pasimple akong kumubli, yung enough lang para makita at marinig ko sila.
"Why? Okay naman na, a? Tapos na yung kaso. You even helped her. And besides, she wants to meet and thank you, kuya."
"Still. Uuwi na ako."
"And then what? Magda-drama ka na naman mag-isa sa bahay?"
Hindi siya pinansin ni Kenwood at akmang aalis na kaya lumabas na ako sa pwesto ko. "H-hey..." tawag ko sa atensyon niya.
"Girl..." ani Yvette at lumapit pa sa akin. "This is not how I wanted you to find it out. I imangine more graceful and proper introduction kaya lang pabebe itong si kuya, e." aniya at inakmaan pa ng sipa ang kuya niya. "You're not galit naman, diba?"
"H-huh?" Napatingin ako sa kanya pagkatapos ay sa kuya niya na nakatingin din sa akin, as if he's waiting for my answer too. "N-no. Of course not."
"Really? I'm so glad! Eh kay kuya ba? Galit ka ba sa kanya? He did well naman sa case mo e. He gets his priority straight naman in the end, diba?"
"Yvette, I'm not mad. We're good." Ngumiti ako sa kanya at ganoon din kay Kenwood. "Why don't you go inside first para makapag-usap kami ng kuya mo?"
"Y-yeah, sure. Gutom na din ako, e. Sunod na lang kayo, ha?" aniya at parang bata pa na pumasok sa loob ng bahay.
Nang finally kami na lang ni Kenwood saka ko siya inaya na sumunod sa akin papunta sa swing at doon pumwesto ng upo.
Sumunod naman siya pero nanatili siyang nakatayo kaya tinapik ko ang bakanteng space sa tabi ko. "Upo ka muna."
He cleared his throat then slowly sit beside me. Ilang minuto din na namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa muli akong magsalita.
"T-thank you." bulong ko.
"For saving you? Nasabi na sa akin ni Yvette ang tungkol sa bag—"
"Thank you for believing me." Pagtatama ko sa kanya. "Yes, I am thankful that you saved me that night. Pero ang pinaka-gusto kong ipagpasalamat sayo is yung naniwala ka sa akin."
"I... I just did what's right. Tama ka naman, e. Wala kang kasalanan at biktima ka lang din."
"It's sad that we have to meet like that. Feeling ko, if given another chance, we could be friends."
"Tch. I doubt it." bulong niya. "All I know to do is work. But... I guess we can work it. I'm a sort of unemployed as of the moment."
"Same," bulong ko at mapait na napangiti.
Bakit nga ba napunta kami sa ganitong sitwasyon?
-