ELOISA'S POV
TATLONG ARAW matapos ang paglabas ko sa kulungan, saka ako nag-decide na lumabas ng bahay.
Nai-settle ko na din lahat ng legal obligations ko sa aking former Agency, sa tulong na din nila Ziggy. In all fairness naman sa kanya, hindi pa din niya ako pinapabayaan kahit tapos na yung kaso.
Tungkol naman sa mga dati kong boss, masama man sa loob, hinayaan ko na. Malaking halaga din ang kinuha nila sa akin at nanghihinayang ako sa tagal ng pinagsamahan namin pero iyon na rin siguro yung pinaka-mainam na gawin.
Wala na din naman kasi akong tiwala sa kanila. Not after what happened.
Tapos, ewan ko ba sa sarili ko. Medyo uncomfortable na ako sa pagpapakita sa ibang tao. Pakiramdam ko kasi palaging may nakamata sa akin. Para bang lahat ng tao na nakakakita sa akin palaging may nasasabi against me.
"Sure ka ba na kaya mong mag-isa?" tanong ni Lola habang nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko. Ako naman ay abala sa pagpapatuyo ng buhok dahil matatapos ko lang maligo. "Samahan na kita."
"Lola, kaya ko na po naman po," tugon ko. Ngayon kasi na wala na ako sa Agency nila Sir Jules, kailan ko na maghanap ng ibang company. Good thing that I received a call yesterday mula sa isang TV Network offering me a contract, sila ngayon ang katatagpuin ko. "Papunta na po si Lemon dito para samahan kayo."
"Sigurado ka, ha? Kaya mo? Magpasama ka na lang kay Ziggy," suhestiyon pa ni lola kaya mabilis akong tumanggi.
"Lola, busy ngayon 'yon. Ang dami niyang bagong kliyente," sagot ko. Bigla kasing nag-boom yung law firm na pinapalakad ni Ziggy. Dinagsa siya ng mga kliyente dahil sa maraming nakapanuod sa kanya on National TV nang maging lawyer ko siya.
"Baka naman kasi mapaano ka kung mag-isa ka lang," bulong pa niya.
"Sus, si lola naman. Okay lang ako. Saka, nasabihan ko na si Lemon na samahan ka muna dito. On the way na po 'yon."
Actually, may trabaho na sila Lemon. Tinulungan sila ni Yvette na makapasok sa Milktea Shop na pagmamay-ari nila. Nag-day off lang si Lemon ngayon para may makasama si lola.
"Dito na me!" sigaw ni Lemon at akala mo isang model pa na rumampa sa harapan ko. "Ano lola? Ready ka na bang maging feeling bagets ulit?"
"Kuh! Zumba na naman?" Nakasimangot na tanong ni lola.
"Aba! Bawal magreklamo, lola. Banatin natin 'yang buto mo." sagot ni Lemon at kinindatan pa ako. "Gora ka na at baka mahuli ka pa sa lakad mo. Ako nang bahala kay Lola."
"Thank you, girl." Yumakap ako sa kanya bago humalik sa pisngi ni lola bilang pagpapa-alam. "Enjoy ka sa bonding niyo ni Lemon, ha?"
Imbis na sumagot, ngumiti lang si lola bago ako senyasan na mas lumapit pa sa kanya kaya iyon ang ginawa ko. "Mainit sa labas, magtalukbong ka nito. Para hindi ka din nila makilala at pagkaguluhan," aniya habang isinusuot sa akin yung paborito niyang scarf.
"Thank po, 'la. Paano po? Mauna na ako, ha? See you later."
"Ba-bush na. Pasalubungan mo ako, ha? Gusto ko ng cheeseburger at fried chicken. Wag na fries at milktea, sawa na ako 'don." Bilin pa ni Lemon kaya nag-thumbs up ako bago tuluyang lumabas ng bahay.
Wala na nga pala akong sariling sasakyan dahil binawi din iyon nila sir Jules kaya no choice ako kung hindi ang mag-commute.
Naglakad na lang ako papunta sa abangan ng taxi dahil hindi ko na nagawang magpabook ng sasakyan na pwedeng rentahan.
"Si Eloisa ba 'yan? Bakit pagala-gala dito 'yan?"
"Diba murder suspect 'yan? Pwede na ba siyang gumala?"
"Safe pa ba itonf neighborhood natin?"
Lantaran na usapan ng mga kasabay ko na nag-aabang ng masasakyan.
Nagmamadali kong isinuot ang earphone ko para huwag na lang silang marinig. Bahagya ko pang inayos ang pagkakasuot ko ng scarf ni lola para hindi na madagdagan ang nakakakilala sa akin.
After less than ten minutes, swerte na may humintong taxi sa tapat ko kaya kaagad na ako sumakay. Iniabot ko sa driver ang hotel address ng binigay ng ka-meet up ko at hindi na nagsalita.
"Ah... ma'am? Pwede po bang magtanong?" Mahinang tanong ni manong driver kaya tumango ako at hinintay ang sasabihin niya. "Wag po kayo magagalit, ha? Kamukha niyo po yung artista, e. Yung pumatay po kay Sky Sy. Hindi naman po kayo 'yon no?"
"H-hindi po. Kamukha ko lang po," pagsisinungaling ko.
"Ay buti naman po. Ayoko po kasing isakay yung babaeng 'yon. Baka malasin itong taxi ko."
"B-bakit naman po mamalasin, manong?" tanong ko at nag-iwas pa ng tingin. "Hindi niyo po ba nabalitaan? Inosente daw po siya."
"Sus. Eh hindi mo ba nabalitaan? Minanipula lang nila yung judge. Ang sabi pa nga, pati iyong abogado ni Sky Sy para daw tanga na nagpabilog 'don kay Eloisa kaya hindi nailaban nang maayos yung kaso."
My God, saan naman nila nakuha yung impormasyon na 'yon? Akala ko tapos na, na malinis na ang pangalan ko pero bakit parang mas dumumi? Bakit parang mas naging masama ako sa paningin nila? Bakit nila iniisip na minanipula lang namin yung kaso? Saan galing yon? Is this some kind of a joke?
-
"Miss Serdantes!"
Magiliw na bati sa akin ni Mr. Kevin Mendoza, a muliti-billionare businessman, kasalukuyang Chairman ng XG Network. Inilahad niya ang bilugan niyang kamay sa harapan ko.
"Good morning, Mr. Mendoza. Thank you for giving me this chance," nakangiti kong pagpapasalamat at tinanggap ang inaalok niyang kamay.
Two years ako nang una niya akong tinawagan. He was trying to convince me na lumipat sa network nila pero napagdesisyonan ko na maging loyal kila Sir Jules.
"I have many offers to you. I have different projects in mind already." aniya nang hindi binibitawan ang kamay ko. "Movies, hosting program, teledrama, I can even put you in our primetime slots."
"Salamat po sa tiwala, sir."
"Ipapakilala din kita sa mga kasamahan ko, come follow me." Alok niya at hinila pa ako papasok ng elevator.
Mula nang nasa elevator hanggang sa makalabas kami, hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko. Medyo nag-aalangan naman ako na bawiin ang kamay ko dahil ayokong isipi niya na rude ako.
"Tuloy ka," aniya at pumasok pa sa pinaka-penthouse ng hotel.
Sa loob, sumalubong sa akin ang anim na pares na babae at lalaki. Pagkakita na pagkakita ko pa lang sa kanila, nanigas na kaagad ang mga paa ko. Napaatras din ako at nagbabalak nang tumakbo dahil hindi ko gusto ang sitwasyon. Pakiramdam ko, mali ako ng kwartong pinasok
All six gentlemen were wearing just bathrobe. I mean, as in naka-bathrobe lang sila habang yung mga babae na kapares nila, mga naka-bikini at gumigiling pa.
Mukhang hindi nila napansin ang pagdating namin dahil masyado silang abalang lahat. Puro usok din yung buong kwarto kaya kaagad akong napatakip sa ilong ko.
Pamilyar sa akin ang ilang mga mukha na nasa loob. Kilalang mga business personel ang mga ito habang mga model at bagong artist naman yung mga babae.
"S-sir?" Baling ko kay Mr. Mendoza pero laking gulat ko nang makita siyang nagtatanggal ng damit pang-itaas. "A-aalis na po ako!" sigaw ko at akmang tatakbo pero nagawang hilahin ni sir Mendoza sa buhok. "Aray!"
"Matagal na kitang gustong matikman, Eloisa Serdantes. Pagbigyan mo na ako at pangako, triple pa ng kinikita mo ang ibibigay ko sayo," gigil niyang bulong sa tainga ko at halos kilabutan ako nang maramdaman ko ang dila nila sa leeg ko.
"BITIWAN MO AKO!" sigaw ko at bilit na kumalawa sa kanya. Sa kabila ng pagiging mas maliit niya sa akin, mas malapad naman ang pangangatawan niya kaya hindi rin naging madali para sa akin ang makaalis sa mahigpit niyang pagkakahawak sa buhok ko. "HAYOP KA! BITIWAN MO AKO!"
"PUTANG INA! NAPAKA-ARTE MO!" sigaw niya at itinulak ako dahilan para tumama ako sa isang table. Lumikha iyon ng ingay subalit nanatiling ganoon ang sitwasyon. Ni hindi natinag ang mga kasama namin sa silid na para bang may sarili silang mga mundo. "TANDAAN MO, SA AKIN NAKASALALAY ANG CAREER MO NGAYON!"
"WALA NA AKONG PAKIALAM! HINDI KO IBABA ANG SARILI KO PARA PUMATOL SAYO. HAYOP KA! NAPAKASAMA MO!"
"TONTA! ANONG AKALA MO SA SARILI MO? HINDI KA NA SIKAT! LAOS KA NA, SISIKAT KA LANG SA TULONG KO. AT TUTULUNGAN LANG KITA KAPAG BINIGAY MO ANG GUSTO KO!" galit na galit niyang sigaw bago mag-umpisang hubarin ang suot niyang sinturon.
Hindi ko malaman ang gagawin ko. Mukhang hindi ako tutulungan ng mga tao dito dahil una sa lahat, kasamahan niya ang mga ito. At pangalawa, daig pa nila ang mga naka-drugs!
Akmang lalapit sa akin si Mr. Mendoza kaya't naghagilap ako ng bagay na pwede kong ipang-depensa.
"WAG KANG LALAPIT!" sigaw ko at dinampot pinakamalapit na bagay sa tabi ko, isang flower vase na may laman pang boquet of white roses. "STOP!"
Imbis na huminto, ngumisi lang siya sa akin at dahan-dahan pa lumapit. "Bakit? Anong gagawin mo? Magsusumbong? Pero wala nang maniniwala sayo, kasi mamamatay tao ka!"
"HINDI TOTOO YAN!" sigaw ko. "STOP! DON'T GET NEAR ME! IBABATO KO TALAGA SAYO 'TO!"
Pagbabanta ko pero hindi niya ako pinakingga kaya buong lakas ko na ipinukpok sa ulo niya ang flower vase dahila pala mabasag ito. Sa sobrang bigat ng vase, parang maging ang braso ko, na-injured na din.
Pero hindi ako nag-aksaya ng oras. Nagmamadali akong tumakbo papalabas ng kwarto at hindi na nag-abalang maghintay para sa elevator. Gumamit na ako ng hagdanan at bago pa ako tuluyang makalayo, narinig ko pa ang malakas na boses ni Mr. Mendoza.
"MARK MY WORDS SERDANTES! WALA NANG PUPUNTAHAN ANG CAREER MO!"
Mas binilisan ko ang pagtakbo para makalayo sa lugar na 'yon.
Oo kailangan ko ng trabaho pero hindi ko maaatim na ipakain sa demonyo ang kaluluwa ko.
Speaking of demonyo, anong diablo kaya ang sinasamba ni Mr. Mendoza pati na rin yung mga kasama niya?
*-*