CHAPTER 45 IMBIS NA sa apartment ni Yvette, dumiretso sina Eloisa at Iñigo sa isang pamilyar na building. Noong una nga ay nag-aalangan siya dahil dito rin nakatira si Sky noon. Dito naganap ang malagim na kamatayan ng kaniyang matalik na kaibigan. May kumirot sa isang parte ng puso niya nang maalala iyon. Nanlalamig ang mga kamay niya. Pakiramdam niya kasi ay ito ang lugar kung saan ang pinakaayaw niyang mapuntahan. "Bakit tayo nandito?" nakayukong tanong ni Eloisa. Hindi niya makagawang magtaas ng mukha dahil may mga ilang staff kasi ang nakatingin sa kanila. Marahil ay nakikilala siya ng mga ito. Ang masakit na katotohanan na nakikita siya bilang isang kriminal at hindi isang sikat na celebrity. "Dito ako nakatira," matabang na sagot ng binata bago maglakad papunta sa el

