CHAPTER 46 "OKAY KA lang ba rito, Lemon? May bibilhin lang ako sa convenient store sa baba," ani Peachy pagkalabas niya ng banyo. Hindi niya kasi inaasahan na ngayon ang dating ng kaniyang buwanang dalaw. Kaya pala ilang araw na siyang sinasakitan ng balakang at puson. Tumingin lang si Lemon sa kaniya habang hindi nawawala ang ngisi sa mga labi. Nanonood kasi ito ng comedy movie at halatang aliw na aliw sa pinanonood. "Go lang," tugon nito saka muli nang tinuon ang atensyon sa flat screen TV. "Kapag may dumating na nurse o doktor at hinanapa ako, sabihin mo may bibilhin lang ako ah," bilin niya rito. "Oo nga. Kulit mo naman, Pichi!" Inirapan niya ito. "Peachy nga iyon. Hindi Pitchi," kalmado niyang sabi na tila tamad na tamad. "E, sa gusto kong Pitchi, hindi ka p

