CHAPTER 47 NANG MAKAPASOK sina Peachy sa isang pribadong silid ay ramdam pa rin niya ang mahigppit na hawak ng matandang kasama sa kaniyang kamay. Masama ang tingin nito sa lalaking nambato ng sapatos niya sa fountain. Ang lalaki naman ay napapakamot na lang ng ulo habang paminsan-minsang tumitingin sa kanila. “Maupo ka rito, anak ko.” Ang matanda pa ang kumuha ng isang silya pero kaagad naman itong inalalayan ng binate. “Bitiw! Doon ka nga. Bakit ka ba nandito? Alis!” “Lola naman,” ani binata na halatang nasaktan dahil sa sinabi ng matanda. Nagtataka lang na pinagmasdan ni Peachy ang mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila may mali sa mga ito. Parang galit nag alit ang matanda kahit pa sinusuyo na siya ng binatilyo. Natigil lang siya sa pag-iisip nang hilahin s

