CHAPTER 50 HABANG ABALA sa pag-eestima ng mga taong nakikiramay sina Eloisa, Yvette at Apple ay kinuha naman iyong pagkakataon ni Ziggy upang makausap si Iñigo. "Kailangan natin mag-usap," aniya sa kaibigan. Kunot na ang noo ni Iñigo nang dumating ito kanina kasama si Eloisa at kahit gusto niyang magtanong dito ay hindi na lang niya ginawa. May mas importante siyang dapat sabihin dito. "Ano iyon?" tanong nito. "Halika sa labas at importante ang pag-uusapan natin." Nauna siyang humakbang. Ramdam ni Ziggy ang pagsunod ng kaibigan sa kaniya. Sa parking area, sa loob ng mismong sasakyan niya naisip na kausapin ito. Pagkasakay nilang dalawa ay kaagad niya itong kinausap. "Iñigo, dumating kanina si SPO2 Vera. Iyong pulis na naka-assign para sa autopsy report ng katawan n

