CHAPTER 51 NANG MAKABALIK sino Iñigo at Ziggy sa loob ng silid kung saan nakaburol si Lola Lorna ay nakuha agad ng mga ito ang atensyon ni Eloisa. Mukhang galing sa seryosong usapan ang mga ito. Pumasok sa isipan ni Eloisa na baka sinabi ni Iñigo sa kaibigan ang tungkol sa flashdrive. Okay lang naman iyon sa kaniya dahil kaibigan naman din nila si Ziggy. "Ano kayang pinag-usapan ng mga iyan, no?" tanong ni Yvette sa kanila ni Apple. Nagkibit ng balikat si Apple. "Hindi ko alam pero mukhang seryoso. Kapag kunot ang noo ni Ziggy, talagang seryosong bagay ang iniisip niyan." Lumingon ito kay Yvette. "Di ba?" "A-anong alam ko sa kaniya, Apple? Grabe ah!" Inayos ni Ivette ang buhok na kahit hindi naman gulo, panay ang ayos. Tiningnan lang ni Eloisa ang mga kaibigan bago

