[LOUISE'S POV] Binabantayan ko ngayon si Billy. Natanggal na yung bala na tumama sa likod niya at naging successful ito. Sabi ng doctor ay maayos na ang kalagayan ni Billy. Pero hindi pa nila alam kung kailan siya magigising. "Billy, kailan ka ba magigising? Alam mo bang mahal na mahal kita? Sana magising ka na. Miss na miss na kita lalo na yung pagiging masungit mo sa boarding house." sabi ko tapos hinalikan ko siya sa noo. Totoo lahat ang sinabi ko. Mahal ko na si Billy. Napagtanto ko ito dahil sa nangyari sa kanya. Napagtanto kong siya ang pinakamahalaga sa lahat sa buong buhay. Ayoko siyang mawala. "Louise, pwede ba tayong mag-usap?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Fredison pala. "Ano ba ang pag-uusapan natin?" wala sa mood kong tanong sa kanya. "Gusto ko sanang humingi ng tawad

