[FREDISON'S POV] Masakit para sa akin ang mga binitawang salita ni Louise. Akala ko sa paghingi ko ng tawad ay magiging okay na kami ni Louise. Pero nagkamali ako. Ang tanga ko dahil hindi ko siya pinaniwalaan. Kung pinaniwalaan ko lang siya noon ay kami pa rin sana hanggang ngayon. Ako ang naglinis sa pangalan niya nang kumalat ang litrato nila ni Billy. Hindi niya deserve na ma-bash nang dahil lang sa litratong 'yan. Paglabas ko ng hospital ay napagdesisyunan kong pumunta sa Dyosa's Bar para magpakalasing. Para makalimot. Para mawala na 'tong sakit na nararamdaman ko. Nang makarating ako sa Dyosa's Bar ay maraming babae ang nagsisigawan dahil sa isang lalaking sumasayaw habang naka-topless. Tsk! Mas magaling at mas gwapo naman ako diyan. "Yung pinakamatapang niyong alak." sab

