Chapter 8

1873 Words
MASK MAN POV KASALUKUYAN akong naglalakad ng mga oras na yon. As usual naghahanap na naman ako nang papatayin. Nagugutom na naman kasi at nagrereklamo ang demon na nasa loob ko. Dati hindi naman siya ganito. Kung dati paisa-isa lang ang at buwan ang pagitan bago ako pumatay, ngayon naman araw at linggo na lang. Mas naging gahaman na ito. Hindi na ito nakokontento sa iisang soul lang. Gusto nito marami na at gusto nitong halos linggo-linggo nang may iniaalay sa kanya. Kapalit ng walang hanggang buhay at hindi pagtanda, nakipagdeal ako sa kanya. Pero ang kapalit din ng kahilingan kong yon ay ang pananatili niya sa katawan ko at ang pag-aalay ko nang kaluluwa ng tao sa kanya. Kaya wala akong choice kundi pumatay talaga. Ang soul kasi nang tao na kinakain nito ang siyang nagpapalakas dito. Magkasundo naman kami ni Damon-yon ang pangalang ibinigay ko sa kanya. He’s a primordial demon and one of the strongest. Naibigay ni Damon ang hiling ko sa kanya. Naibibigay ko din ang gusto niya. Dahil sa kanya, I’ve been living here on earth for thousands of years. Hindi ako tumatanda and yes, I already achieved immortality. Mabubuhay na ako hanggang katapusan ng mundo. At hindi ko kailanman pinagsisisihan ang pakikipagdeal ko kay Damon. Ang tanging problema sa kanya, mahirap siyang ikontrol. Ginawa nito kung anong gusto nito lalo na kung ito ang gumagamit ng katawan ko. Kahit sabihin ko siyang mag-ingat at magdahan-dahan sa mga ikinikilos, hindi ito nakikinig. Palibhasa alam kasi nitong malakas ito kaya wala itong kinatatakutan. Minsan ako ang pumapatay. Pero kapag ginagamit niya ang katawan ko, pumapatay na din ito. Parang nagsasalitan na lang kami. Actually, nagagamit ko na din ang abilities niya. Dahil siguro sa tinagal-tagal na niyang nasa loob ng katawan ko kaya ganun. Sabi ni Damon, marami ding nilalang na biniyayaan ng kapangyarihan ang nasa mundo ngayon. At ang gusto niya patayin din ang mga ito para makuha niya ang mga kapangyarihan nila. Kaya hindi ko na lang siya kinontra sa kung anong gusto niya. Sa tinagal-tagal ko nang pumapatay, gustong-gusto ko na ang amoy ng sariwang dugo. Ewan ko ba pero ang bango-bango kasi nun sa ilong ko. Kaya medyo wild akong pumatay. Inuuna ko ang parte nang katawan ng tao na maraming dugo. Gustong-gusto ko yong pakiramdam na tumatalsik sa akin yong mga dugo nila. Nagbibigay yon ng kakaibang saya sa akin. Pakiramdam ko kasi binubuhay nun ang katawang lupa ko. Mayamaya’y tumigil ang mga paa ako sa tapat ng isang malaking bahay. Napangisi ako. ‘Perfect spot’ Kinuha ko ang maskarang nasa loob ng itim na jacket na suot ko saka inilagay yon sa mukha ko. “Pizza delivery!” sigaw ko sabay pindot ng doorbell sa gate. Ilang sandali pa’y bumukas yon at lumabas ang guwardiya. Agad ko siyang inundayan ng maraming saksak sa leeg at iba pang parte nang katawan nito gamit ang kutsilyong hawak ko. Pasimpleng kinuha ko kanina yon sa isang convenience store na pinuntahan ko. Bumulwak ang mga dugo nito sa mukha ko na ikinatuwa ko nang husto. Nakangising ikinalat ko pa yon sa buong mukha ko. Malakas na halakhak ang pinakawalan ko habang nangingisay itong bumagsak sa lupa. “One down…”nakangising sabi ko saka itinapat ang isang kamay ko sa puso niya at hinigop agad ang kaluluwa niyang hindi pa humihiwalay sa katawan niya. Narinig ko ang malakas na ungol ni Damon sa loob ko pagkatapos makuha ang kaluluwa nang lalaki. Ramdam ko ding tila lumakas ang katawan ko dahil doon. Mayamaya’y yumuko ako at minarkahan sa tiyan ng 2025 ang katawang wala nang buhay. Ou ganun na nga kadami ang pinatay ko. At bawat biktima ko ay kinukuha ko ang kaluluwa. Damon needs those souls para lalo pa siyang lumakas. Lately he tried to kill a kitsune (fox spirit) para makuha ang kapangyarihan nito pero hindi siya nagtagumpay. Bago pa niya ito mapatay nakapagsoul shift pa ito at nakatakas. Dumating din agad ang mga backup nito kasama ang leader nila kaya walang nagawa si Damon kundi umalis na lang. He wasn’t strong enough to fight the Celestial Fox kaya umiwas na agad ito. Kahit isa pa siyang primordial demon, hindi pa rin niya kakayanin ang Kitsune na yon. He’s on another level. At kung ipipilit niyang labanan ito, Damon will surely meet his demise. Ganun kalakas ang Kitsune na yon. Bata pa lang ako noon, I’ve already heard stories about him. Pero sinong mag-aakalang totoo pala ito at matagal ng nabubuhay dito sa mundo. Kung nakuha lang sana ni Damon ang kapangyarihan ng Kitsune, magiging useful sana yon. Lalo ngayon mainit na ako sa mga mata nang mga awtoridad. Kaya doble ingat na din ako para hindi mahuli. Iba na kasi ang panahon ngayon kompara noon. Mas advance na ang mga gamit ng mga tao ngayon kaya madali na lang nilang mahuli ang mga criminal. Kaya kung meron sana ang shape shifting ability ng Kitsune, madali lang akong makakalusot ng walang kahirap-hirap. Actually, hindi lang din ang mga awtoridad ang iniiwasan namin. May mga nilalang ding matagal nang huma-hunting kay Damon. Mas nakakatakot ang mga yon. Pero buti na lang nakakapagtago siya nang maayos sa katawan ko. Kaya naman nahihirapan silang hanapin ito. Sila marahil ang dahilan kaya nagpapalakas unti-unti si Damon. Alam niyang hindi habang-buhay ay makakapagtago siya sa mga ito. Kaya naghahanda din ito. Mayamaya pa’y naglakad na ako papasok sa loob habang pasipol-sipol. Sa sala, tatlong katulong agad ang nakita ko. Takot na takot ang mga ito at akmang tatakbo sana pero isang pitik lang ng daliri ko, hindi na sila nakagalaw sa kinatatayuan nila. Agad ko silang nilapitan. “Maawa ka sa amin,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ng isang babae. Ngumisi lang ako at pinagsasaksak sila isa-isa hanggang tuluyan silang malagutan ng hininga. Pakanta-kanta pa ako habang nilalagyan ng numero ang mga katawan nila. Umakyat ako sa hagdan. Isa-isang sinilip ang mga kuwartong naroon. Pero sa kasamaang palad wala na akong nakitang tao. Mukhang wala yata ang mga may-ari nang buhay. Napailing na lang ako. ‘Suwerte nila’ sa isip-isip ko. Hindi na masama yong apat na souls. Isa pa hindi naman nagreklamo si Damon. Mukhang nakontento naman siya. Mayamaya’y lumabas na din ako agad sa bahay na yon at diretsong naglakad sa madilim na parte nang daan. Sobrang sarap ng pakiramdam ko nang mga oras na yon. I really felt so alive! TARAH'S POV KASALUKUYAN kaming nagkaklase nang mga oras na yon. Lahat ng mga mata'y nakatuon sa akin tuwing magriring ang cp ko. Alam ko kung sino ang tumatawag pero hindi ko yon pinapansin. Tumingin ako sa bintana sa labas ng makarinig ng tila may sumisitsit sa akin. Pero wala naman akong makita. "Naririnig mo ba yon?" tanong ko kay Andrea na katabi ko lang ng mga oras na yon. Kumunot ang noo nito?" Ang alin? Ano ba yon? "Parang may sumisitsit. Kanina pa kaya yon," naiiritang sabi ko. "Ha? Wala naman akong naririnig, e. Baka guni-guni mo lang naman." "Meron. Pakinggan mo kaaing mabuti. "Wala talaga akong naririnig. Pramis!" anito. Napailing na lang ako. Guni-guni ko lang nga ba yon? Mayamaya'y narinig ko uli yon. Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid para hanapin yon pero wala naman akong makitang tao. Ewan ko ba pero pakiramdam ko ako lang naman yata ang nakakarinig nun. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupuan ko. Siguradosi Raven yon. Kaya lang hindi ko mahanao kung nasaan siya. Muling nagring ang cp ko na ikinabigla ko. Nakafull pa naman ang volume. Agad kong kinuha yon sa bag ko at pinatay yon. Napatingin ako sa buong klase. Lahat ng mga mata nila'y natuon sa akin. Ang professor namin ay lukot na ang mukha nang mga oras na yon dahil ilang ulit na itong naabala sa pagtuturo gawa nang paulit-ulit na pagtunog ng cp ko. Actually, kanina ko pa yon pinapatay pero kusa ding sumisindi. At kahit isilent ko, kusang nagfu-full ang volume nun. 'Bwiset na Raven!' nanggigigil kung sabi sa isip ko. Hindi ko alam kung anong kailangan na naman niya sa akin. Nakiusap na nga ako sa kanyang huwag naman sana niya akong istorbohin kapag nagkaklase ako pero hindi naman ito nakikinig. Halatang walang pakialam. "Ano na Ms. Santillan? Kanina ka pa nakakaistorbo sa buong klase," nakataas ang kilay na sabi ni Mrs. Santos-ang professor namin. Tumayo ako at mabilis na yumuko at humingi nang pasensya sa buong klase. "Pasensya na po kayo sa abala," yuko ang ulo at nahihiyang sabi ko. Naiinis na din ako pero wala akong magawa. Muli akong naupo at wala sa loob na natampal ko ang noo ko. Sobrang kahihiyan na ang nararamdaman ko nang mga sandaling yon. "Kanina pa kasi tumutunog yan. Sagutin mo na lang kaya," nakangusong sabi ni Andrea. "Nangpaprank lang ito. Hindi ko naman kilala,"naiiling kong sabi. Mayamaya'y may naramdaman akong umupo sa bakanteng silya na nasa harapan ko. Dahil nakayuko ako, hindi ko batid kung sino yon. Nang iangat ko ang ulo ko, laking gulat ko nang makitang si Raven yon. Nakaharap ito sa akin habang madilim ang mukhang nakatingin sa akin. Muntik na akong mapasigaw sa pagkabigla. Buti na lang natutop ko ang bibig ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Pero mukhang ako lang naman ang nakakakita sa kanya ngayon. 'Ano na naman kayang kailangan niya?' himutok ko sa isip ko. "Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo sinasagot?" inis nitong sabi. "Paano ko masasagot? Kita mo naman may klase ako," paliwanag ko. Sinikap kong hinaan ang boses ko at baka mamaya may makakita sa aking nagsasalita. Masabihan pa akong baliw. "I don't care! Deal natin ito kaya dapat ako ang inuuna mo kapag kailangan kita," mariing sabi nito. "Mamaya na, please," pakiusap ko sa kanya. Tapusin ko lang itong klase kong ito. May quiz kasi kami pagkatapos ng lecture." "No! I need you right now!" bulyaw nito na ikinagulat ko. Wala sa loob na napatingin ako kay Andrea. Nabigla pa ako nang makita ko siyang nakatingin din pala akin. "S-sinong kausap mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito. Alanganing ngumiti ako sa kanya. "W-wala. Ganito lang talaga ako minsan. Kinakausap ko yong sarili ko." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kasinungalingang naisip ko. Napatango-tango ito pero halatang hindi kumbinsido. "Uhm okay," kibit-balikat nitong sabi saka ibinalik ang atensyon sa pakikinig ng lecture ni Ma'am Santos. Muli kong ibinalik ang atensyon ko kay Raven. Bagot na bagot na ang hitsura nito. "Sandali na lang ito. Maghintay ka lang saglit,"muli kung pakiusap sa kanya. "Hindi ko ugali ang maghintay,"seryosong sabi nito. Kasabay nun ay muling nagring ng napakalakas ang cp ko. Natakpan ko na lang ng dalawang kamay ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. "Ms. Santillan! Will you please get out! Hindi na ako makapagfocus sa pagle-lecture dahil sa ingay ng cellphone mo!" sigaw ni Mrs.Santos. Umalingawngaw ang boses nito sa room kaya tiyak ko dinig yon hanggang sa labas. "f**k!" mahinang mura ko. Parang gusto ko nang lumubog sa kahihiyan. "I'm sorry, Ma'am," alanganin kong sabi. "Sige po lalabas na ako." Tinapunan ko nang masamang tingin si Raven na nakangisi pa sa kalokohang ginawa. Kinuha ko ang bag ko saka dire-diretsong lumabas. Nangagagalaiti talaga ako sa sobrang inis. Hindi na ako makakapagquiz nito at kasalanan ng hinayupak na Raven na yon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD