Chapter 32 "BRIDGETTE." Tinanggap nito ang kamay ko. "So, paano kayo nagkakilala ng boyfriend ko?" "I think you better ask him na lang. It's a long story to tell kasi. By the way, I have to go na. Baka hinihintay na ako ng kausap ko." "Uhm, okay. Ingat ka. Sana mahanap mo na iyong ka-meet mo." Tumango lang ito nang nakangiti tapos ay umalis na. Nang maiwan kaming dalawa roon ni Daniel ay naramdaman kong unti-unting bumigat ang hangin sa paligid. Iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon. "Gabriella..." pagtawag nito sa akin sa halos pabulong na boses. "So how did the two of you met?" tanong ko at maging ako man ay nagulat sa lamig ng aking boses. Kumuyom ang mga kamao ko at unti-unti na namang bumigat ang paghinga ko. Naramdaman kong humakbang siya palapit. "Baby..." "D'yan ka lan

