Chapter 33 NATAPOS ang klase namin para sa umaga nang wala akong naintindihan. Bigla akong nagkaroon kahapon dito sa school kaya siguro ganoon na lang din ang ni-react ko noong makita ko si Daniel na may kasamang iba. Hindi ko naman problema ang period kapag unang araw pero struggle talaga ako kapag ganitong second day. Absent ngayon si Sazha kaya wala akong masyadong makausap. Nag-excuse siya na nilalagnat daw pero alam ko naman natutulog lang iyon ngayon dahil hanggang madaling araw nanuod ng Kdrama. D-in-ismissed na kami ng professor namin at naglabasan na rin ang mga kaklase ko. Pero ako ay nagpaiwan lang muna. Wala pa ako sa mood tumayo. "Gabriella, hindi ka ba kakain ng lunch?" tanong ng kaklase ko na palabas na. Kasama niya iyong dalawa pa naming kaklase. "Mamaya na lang ako," s

