Chapter 27 MAGANDA ANG naging tulog ko kagabi dahil sa mga nangyari sa school kahapon. Sa sobrang ganda nga ay mapanaginipan ko pa kaya tinanghali ako ng gising ngayon. Nagmadali na ako sa pagagayak dahil ayokong mahuli sa klase. I feel blessed na legal kami sa side ko. Mahirap kasi kapag patago. Napapanuod ko iyong mga ganoong eksena sa mga teleserye. Mga eksena ng mahirap at mayaman na sabi nga ay langit at lupa ang pagitan. Ngunit legal man sa pamilya ko ay hindi pa rin ako pwedeng manigurado dahil hindi pa naman ako pormal na naipapakilala ni Daniel sa mga magulang niya. Kahit pa sabihin na nadala na niya ako sa kanila noon at ilang beses ko na ring nakaharap ang ina niya, iba pa rin ngayon na nobya na niya ako. Medyo nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala. Nagitla ako nang may tumapik

