CHAPTER 14 "MALI ANG paghawak mo sa bola," aniya habang pinaglalaruan sa kamay ang bolang hawak niya. Tulala lang ako at hindi makapag-react kaagad. Hindi ko kasi in-expect na nandito siya. Wala naman kasi siya sa court kanina tapos bigla-bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. OMG! Nandito na rin pala iyong ibang players. "P-Para sa subject lang naman," sabi ko na hiyang-hiya. Halata naman kasi na nasaksihan nila kung paano ako pumalpak sa pagpapapasok ng bola sa ring. Okay lang naman sa akin na makita ng iba pero pagdating sa mga player nakaka-pressure. "Hindi mo naman siguro gustong bumagsak, hindi ba?" "S-Syempre hindi. Kahit hindi naman major subject ang PE, hindi ko pa rin gusto na ma-cinco sa subject na iyan. Ang mahal kaya ng units." T

