Chapter 16 "Excuse me, I just need to answer this call right away," paalam ni Daniel kaya kaming dalawa na lang nung Hershey ang naiwan. Akala ko ay magpapakumbaba siya o mahihiya dahil kaharap niya ako. Ako na ninakawan niya ng sariling recipe at luto. Subalit hindi iyon ang nangyari. Bagkus ay pinagkrus pa nito ang mga braso at tinaasan ako ng kilay. Wow ha! Siya pa talaga ang may ganang magmataas ngayon. "Isusumbong mo `ko?" makahulugan at may pananakot nitong tanong. "At bakit ko naman gagawin iyon?" "Dahil ninakaw ko ang luto mo—" "So ninakaw mo nga talaga." Nanlaki ang mata niya nang ma-realize na nadulas siya kaya napaamin nang wala sa oras. "Bwisit," hasik nito sa sobrang inis. "Hindi kita isusumbong," sabi ko at puno ng pagtatanong niya akong tiningnan. "The fact na i

