CHAPTER 25

2335 Words

Chapter 25 "AKALA KO HO ba ay bawal pa akong mag-nobyo habang nag-aaral pa?" tanong ko kila inay at itay dahil iyon naman talaga ang naging bilin nila noon. "Iyon nga ang sabi namin ng itay mo noon. Noong mga panahon na nag-aaral ka pa lang sa High School. Pero tutal naman 18 ka na, nasa tamang edad ka na para magdesisyon para sa sarili mo kaya bakit ka namin pagbabawalan. Isa pa ay lumaki kang masunurin sa amin ng aman mo. Kahit kailan ay hindi mo kami binigyan ng sakit sa ulo. Kilala kita anak, alam ko na pinag-iisipan mo lahat ng desisyon mo sa buhay. Malaki ang tiwala namin sa 'yo kaya kung ano man ang gawin mo, susuportahan ka namin ng itay mo. Lalo na kung napapasaya ka nito." Halos maluha ako sa sinabi ni inay. Kaagad naman akong niyakap ni Daniel tapos ay nagkuwentuhan na lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD