Chapter 44 "DANIEL, ano ba nasasaktan ako!" daing ko nang hiklasin nito ang aking buhok. Kinaladkad niya ako papunta sa sala at padabog na itinulak sa sofa. Napaiyak ako habang nakasubsob ang mukha roon. "Binigay ko sa 'yo lahat tapos gagaguhin mo lang ako!" galit nitong sumbat dahil sa selos. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa dalawang taon namin bilang mag-asawa ay ngayon niya lamang ako napagbuhatan ng kamay. Sa apat na taon namin sa relasyon ay itinuring niya ako na parang prinsesa. Tapos heto siya ngayon at sinasaktan ako sa isang maling akala. May nakapagsabi kasi sa kaniya na magkasama kami ni Jiro sa hotel noong nakaraang gabi. "Dan, hindi kita niloko. Alam kong alam mo kung gaano kita kamahal, hindi ba?" "Malinaw sa akin lahat. Niloko mo ako! Ito nga oh ang ebide

