CHAPTER 45 SA NAKALIPAS na dalawang taon naming pagsasama bilang mag-asawa ay marami na ang nangyari. Naging mabuti naman siyang ama at asawa pero nagbago ang lahat nang pinagbintangan niya ako na nanlalake noong gabing iyon. Naging malamig siya sa akin at madalas isumbat iyon sa tuwing nagkaroon kami ng pagtatalo. Palagi niyang ibinabalik iyon kahit na hindi ko naman talaga siya niloko. Isang araw matapos ang kumprontasyon at pananakit niya sa akin noong gabing iyon ay kinausap niya ako. Humingi siya ng tawad sa akin sa nagawa niya. Masyado lang daw siyang nadala ng stress at selos. Mahal ko siya kaya pinatawad ko. Naiintindihan ko rin naman kasi dahil alam ko na problemado siya ngayon. Lumabas kasi na marami ng utang ang kompanya nila. Dahil doon ay nabenta ang ilan sa kanilang mga pr

