Chapter 46 SIMULA noong gabi na naisugod ako sa hospital at muntikan nang mawala ang anak namin ay nakita ko ang unti-unting pagbabago ni Daniel. Ang saya ko sa totoo lang lalo na nang isilang ko ang pangalawa naming anak. Subalit ang sayang iyon ay pansamantala lang pala. Tatlong buwan matapos kong manganak ay napansin ko ang dumadalas niyang pag-uwi ng late. Hindi ko na rin siya halos nakakausap ng maayos dahil palaging busy sa trabaho. May mga time nga na tatlong araw siyang hindi umuuwi dahil sa mga project niya na malayo. Natanggap siya sa isang Real Estate Company ilang araw matapos kong maisilang ang anak namin. Kaya naman itinuturing niya itong isang lucky charm. Inisip ko na lang na baka sadyang busy lang talaga sa trabaho. Kapag umuuwi siya ay late night na. Tapos kapag nagigi

