Chapter 37 "GAAAABBBIIIIIII!" um-echo ang boses ni Sazha sa buong corridor. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at parang ayaw ko na lang lumingon. Hiyang-hiya ako sa mga taong nakatingin sa amin. Bakit ba kasi ang ingay ng babaeng ito. Nakaka-iskandalo tuloy. Narinig ko pang nagbulungan iyong iba kung sino raw iyon. Narinig ko ang tumatakbong yabag ng paa papalapit sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang na inakbayan na niya ako. "Ano bang ginagawa mo, Sazha? Aga-aga ang lakas ng boses mo nakakahiya." Nag-umpisa na akong maglakad samantalang siya naman ay yumapos sa kanang braso ko. "Mas okay nga iyon eh para magising iyong mga tao. I'm sure antok pa ang mga iyan. Alam mo na nasanay ng patanghaliin gumising nitong Summer vacation. By the way, kumusta naman ang bakasyon mo? Kuwento ka n

