Chapter 38 NAGAWA ko na ang lahat ng dapat kong gawin. Dalawang araw ko na ring ginagamit ang account na iyon para sa pagpo-post ng status. Ginawa ko iyon para mukhang mas kapani-paniwala. Nandito ako ngayon sa condo ni Dan dahil sinundo niya ako sa school kanina. Nasa sala siya ngayon at nanunuod. Ako naman ay nandito sa kusina at gumagawa ng juice. Pasimple akong lumingon sa kaniya at nang makita kong busy siya sa ginagawa ay nag-type ako ng mensahe gawin ang account na ginawa ko noong isang gabi. To: Daniel Ezcarraza Hi. Itinago ko ang cellphone at nagkunwaring walang ginawa. Narinig ko naman ang pagtunog ng Messenger niya. Bumilis ang t***k ng puso ko nang makitang hinawakan nito ang cellphone niya. Akala ko ay magre-reply siya pero hindi iyon nangyari. Pero hindi ako pwedeng basta

