Chapter 21 "Talaga bang magliligawan lang kayo d'yan?" tanong ng lalakeng instructor namin na nagpabalik sa aming dalawa sa totoong mundo. Nakaramdam ako ng matinding hiya nang mapagtanto na nasa amin na pala ang atensyon ng lahat. Nakapamey-awang sa aming harap ang aming sir. Mukhang may itinuturo siya kanina sa klase pero hindi kami nakikinig. "P-Pasensya na po, sir." "Mamaya na iyang ligawan ninyo. Hindi n'yo man lang napansin na kanina pa natapos ang tugtog. Masyado naman yata kayong masipag mag-practice at kahit walang tugtog sumasayaw pa rin kayo." Luh! Ganoon ba kami kalutang na dalawa? "Makinig muna kayo sa sasabihin ko dahil mahalaga ang mga ito para mas maging maayos ang performance ninyo," anito sa seryosong boses. "Okay po, sir." Nahihiya man ay may tuwa pa rin akong nad

