•Eychan• Hanggang sa makasakay ako at umandar ang kotse ay nakikita ko pa rin ang maraming taong tumitingin sa amin. Hinawakan ko ang kamay ni Thunder na nakapatong sa aking balikat at nilingon siya para kunin ang atensyon nito. "Bakit ka naman nagdala nang maraming sasakyan? Ang dami tuloy tumitingin sa atin. Ano na lang ang sasabihin nila—" "Let them, Ali, wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao kung pwede ko lang ipagsabi sa iba na akin ka ay ginawa ko na." Natigilan ako sa sinabi ni Thunder, alam ko na nahihirapan na rin ito sa pagtatago ng relasyon namin. Pero sa dinami-rami ng problema at mga taong gustong ipahamak kami ay napaka-impossible pa na ipaalam namin sa publiko ang relasyon naming dalawa. Natatakot ako na hindi lang ako ang saktan ng mga taong may balak na g

