•Eychan• "Eychan!" Lumingon ako sa taong umakbay sa akin at nang malingunan ko si Rafael doon ay kaagad ko itong tinaasan ng kilay. "Sinabi sa amin ni Thunder na magkikita raw kayo mamaya ni tita?" Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi nito. Si mama lang at ako ang nakakaalam kung kailan kami magkikita, kaya bakit nalaman iyon ni Thunder? Lumingon ako sa aming likuran para hanapin ang iba pa niyang kasamahan, at hindi nga ko nagkakamali naroon nga si Thunder at ang iba pa niyang kaibigan. Kumakaway sila sa akin ngunit hindi ko iyon ibinalik sa kanila dahil nagtataka pa rin ako kung bakit nalaman iyon ni Thunder. Tumakbo naman kaagad ang huli sa akin tila alam na ang nasa isipan ko ngayon. "Ali, galit ka ba sa akin?" tanong niya at hinila ako palayo kay Rafael para yakapin. Umiling nam

