•Eychan• Pagkalagay na pagkalagay ko ng cell phone nito sa aking tainga ay kaagad na niya akong binuhat. Napatili pa ako dahil sa muntikan na kaming matumba na dalawa nang panandalian itong nawalan ng balanse. "Hija, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ng ina nito. Kaagad akong napahawak sa aking bibig habang nakatingin sa natatawang Thunder. Tinampal ko ang dibdib nito at lumunok bago sinagot ang mommy niya. "Tita, pasensya na po kayo may daga po kasing dumaan kanina," wika ko habang masamang tinitingnan si Thunder. "Really? Nasa condo ka ba ngayon ni Thunder, hija? Pakisabi sa kanya na magpalinis na siya ng bahay niya at baka maumpog ang ulo mo dahil sa mga dagang 'yan at hiwalayan mo pa ang makulit na 'yan." Ni-loudspeaker ko iyon para marinig ni Thunder kaya kaagad naman i

