•Eychan• Deretso condo na kami nang matapos kami sa pamimili at dahil nagugutom ako ay nagboluntaryo na itong magluluto. Hindi ko naman siya pinigilan dahil gusto kong matikman ulit ang luto niya. "Ali, kailangan ko ng sibuyas dito. Thank you!" Naghiwa naman kaagad ako ng sibuyas at ibinigay iyon sa kanya. Nang matapos ang ginagawa ko ay umupo na ako sa bakanteng upuan at pinagmasdan na lamang siya. "Do I look like a handsome chef?" Hindi niya maisuklay ang kamay sa kanyang buhok kaya itinaas na lamang niya iyon at gumiling sa harapan ko. Natatawa ko siyang tiningnan habang naiiling dahil sa kabaduyan nito. "Para kang baliw, Ali," saad ko at itinulak siya palayo sa akin dahil baka saan na naman mapunta itong pagsayaw-sayaw nito sa harapan ko. "Kapag hindi masarap iyang luto mo. Hindi

