Chapter 47:

1029 Words

•Eychan• Iniwaglit ko iyon sa aking isipan dahil napag-isipan ko na rin siya ng masama dati at wala naman itong ginawa kundi ang magmalasakit sa akin. Baka nga hindi naman ang mga kamay namin ni Thunder ang tinitingnan niya, napukol lang siguro panandalian iyon doon. "Sino ang gumawa sa'yo niyan, Eychan? May mga kalaban ka ba sa school?" Bumalik ang atensyon ko sa kanila nang marinig ang boses ni Thalia. Puno nang pag-alala ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hindi ako nakaimik saglit dahil nakosensya ako na pinag-isipan ko ito ng masama. "Ali, masama ba ang pakiramdam mo? Kanina ka pa tulala." Umiling ako sa tanong ni Thunder at hinawakan nang mahigpit ang kamay nito. "I'm fine. Atsaka, Thalia, hindi ko sila nakilala kasi natutulog ako no'n sa clinic paggising ko ay nasa madi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD