~Eychan~ Parang pinagbagsakan ng mabigat na bagay ang aking katawan nang mga oras na iyon. Simula nang marinig ko ang pangalan kanina ni Kyser sa bibig ni Yaxyl pakiramdam ko ay ibinalik nito ang lahat ng sakit na unti-unti ko nang iniwaglit. "Kanina ka pa malalim na bumubuntong-hininga, Eychan, may problema ka ba? May masakit ba sa iyo?" Nilingon si Thalia nang kalabitin ako nito. Malungkot akong ngumiti sa kanya at inabot ang kamay nito. "I'm really sorry, Thalia, hindi ka pa tuloy nakapasok sa first class mo dahil sa akin," hinging-paumanhin ko sa kanya. Simula nang inihatid ako nito sa may clinic ay hindi na niya ako iniwan pa. Kahit sinabi ko pa sa kanya na okay na ako, ay hindi pa rin ito nakuntento mas gusto raw niyang makasigurado. "Actually, I'm fine, Thali, you really need to

