•Eychan• Walang umiimik sa aming lahat matapos ang sagupaang iyon. Charot lang! Hahaha, parang nakalimutan na nga namin iyon at naglalaro na ulit sa pool pwera na lang kay King na nakatingin pa rin sa nilabasan ng babae kanina. "Kingkoy, nabaliw ka na yata bakit hindi ka na nagsasalita r'yan?" Lumingon kay Uno si King at sinamaan ito ng tingin. Tumaas naman kaagad ang dalawang kamay ng una para ipakita rito ang pagsuko. "Bakit ka ba kasi tumigil d'yan? Gusto mo bang habulin ang babaeng iyon? Hindi ka no'n gusto. Binuntis mo kaya ang kapatid niya." Bumuntong-hininga si King at tumalon na sa pool malapit sa amin ni Thunder. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng babaeng iyon. Wala pa nga akong nabigyan ng p*********i ko, baka gusto niyang mauna, tsk," inis na saad nito at lumangoy. Tina

