•Eychan• Ngayong araw dumeretso ako sa sementeryo kung saan nakalibing si Kyser. Punong-puno na ang puso ko at hindi ko na iyon kaya pang dalhin ng mag-isa. Sana pala nanatili na lamang ako sa pagmamahal kay Kyser kahit wala na ito sa ganoong paraan ay hindi ako masasaktan at walang kahit sinong makapanakit sa aking dibdib, maliban sa ideyang wala na ito sa aking tabi. "Hi, Kys, ngayon na lang ulit ako nakabisita sa iyon. Wala akong pahintulot nila tita ngunit kailangan kong makausap ka para kumalma ang puso, Kys," humihikbi kong sumbong dito. "Simula noong araw na mawala pakiramdam ko ay nawala na rin sa akin ang lahat. Ginawa ko ang lahat para maka-survive sa mundong sinasabi mo sa akin na maganda. Pero bakit simula nang mawala ka ay nag-iba na ang pananaw ko roon? I'm sorry, Kys..."

