•Eychan• Napahawak ako sa aking batok at unti-unting idinilat ang aking mga mata para alamin kong nasaan ako. Kumunot ang aking noo nang makita sa aking tabi si Thunder habang hawak-hawak ang aking kamay. Kaagad ko naman iyong inagaw sa kanya kaya nagising ito at tumingin sa akin. "Are you okay, Eychan? Pasensya ka na at hindi ko kaagad nasalo iyong bola na papunta sa'yo—" "Bakit mo ba ginagawa ito, Thunder? Hindi mo ako pinakinggan noong mga panahon na nanghihingi ako sa'yo nang pag-unawa dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi alam ang dahilan kung bakit ko nagawa iyon sa taong kakilala ko pa lang. Thunder, ikaw lang binigyan ko ng sarili ko! Bakit ba puno ka nang pagdududa sa akin?" mahaba kong lintanya. Hinihingal pa ako habang sinasabi iyon. "Nasaktan ako, Eychan, nasaktan ako nang

