•Eychan• Marahan akong ipinasok ni Thunder sa kanyang sasakyan habang hinahaplos ang aking mukha. "I'm sorry, Eychan," saad niya nang makapasok na rin sa loob ng sasakyan. Umiling ako at hinawakan ang kanyang kamay na nakalapat sa aking mukha. "Hindi mo naman kasalanan iyon, Thunder, kasalanan ko iyon dahil ang bilis kong nagtiwala sa taong iyon. Hindi ko man lang inisip na kakilala ko pa lang sa kanya," puno nang pagsisisi na sumbong ko sa kanya. Ipinagdikit naman niya ang aming mga noo at marahang hinalik-halikan ang aking tungki ng aking ilong. "I'm sorry. I love you," usal niya sa pagitan ng paghalik nito sa aking ilong. Natatawa kong tinampal ang kanyang pisngi at inilayo siya sa akin nang aabutin na sana nito ang aking labi. "Bawal ka pang humalik sa akin dahil nilalagnat pa ako

