•Eychan• Kumuha nga kami ng nanny ni Thunder para kay Kairo. Tuwing walang pasok o di kaya'y sa gabi ay umuuwi kami ay umuuwi rin naman ang nanny ni Kairo. Minsan hindi kami makatulog nang maayos dahil umiiyak si Kairo sa gabi man o madaling araw. Limang araw na rin ang lumipas nang magpunta sila rito ni Rafael at bukas na rin ang plano namin na maliligo sa kanila Tristan. "Thunder, sasama ba tayo bukas? Paano pala si Kairo dadalhin natin?" tanong ko sa kanya, habang pinapalitan ang suot na diaper ni Kairo. "Kung gusto mong sumama ay dadalhin na lang natin si Nanay Melinda para may magbabantay Kairo." Napaisip din ako na dadalhin na lang si nanay pero hindi ako sigurado kong magugustuhan ba ni Kairo ang mahabang byahe at lugar doon. "Anong iniisip mo, Ali?" "Iyong magiging kalagayan n

