•Eychan• Mabuti na lang pala at wala na sa amin si Kairo. Sa sobrang busy namin sa pagbabantay kay Kairo ay nakalimutan namin na mayroon pa lang mga masasamang tao na nagtatangka sa aming buhay. Dahil hindi ako nakapokus sa kanila hindi ko namamalayan na mas lumalapit na ang mga ito sa amin ni Thunder. Paano na lang pala kapag hindi kinuha ni mama si Kairo sa amin? Anong gagawin namin kapag may gumawa nang masama sa kanya, lalo na at hindi kami parati nakabantay rito? "Anong tinitingnan mo r'yan, Ali? Bakit bigla-bigla ka na lamang lumabas?" tanong sa akin ni Thunder, sabay hawak sa aking bewang. Hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya dito sa labas kaya hinila ko siya pabalik sa loob. Delikado para sa amin ang pag-usapan ang mga bagay na iyon. Nang makapasok na kami at naisarado ko na

