•Eychan• "Eychan—" "Channie," putol ko sa sinasabi niya. Tumingin naman siya sa akin nang nakakunot-noo sabay turo sa sarili niya. Napailing ako at nginitian ito. "You can call me, Channie, Thunder. Maraming salamat sa respetong ibinigay mo sa akin kagabi na nawala ako sa sarili ko." Nasa apartment na nga namin kami ngayon, hinatid niya ako pagkatapos kong sabihin sa kanya kong pwede nga ba niya akong ihatid sa apartment. Malaki ang pasasalamat ko kay Thunder dahil alam ko na nagpipigil ito ng sarili kagabi para hindi ako magalaw. Hindi ko man alam ang nangyari pero sa tingin ko ay sapat na nalaman ko na nakainom ako ng droga kagabi para sabihin na nahirapan ito sa akin. Kung sinuman ang taong naglagay ng droga sa maiinom ko ay sisiguraduhin ko na magsisisi siya sa ginawa niya sa akin

