•Third Person• Pabagsak na itinapon ng dalaga ang katawan sa malambot kama ng binata. Tumatawa pa ito habang inaakit ang huli, napapailing na lang si Thunder habang nakatingin sa babae. Gusto niya ang dalaga ngunit hindi naman niya ito kayang pagsamantalahan at baka kinabukasan ay hindi na siya nito pansinin. Hinayaan muna ng lalaki si Eychan na humiga sa kama at pumunta na sa cr para ayusin ang paliliguan ng dalaga. Laking gulat ng binata nang biglang may yumakap sa likuran niya, kaya wala siyang ibang magawa kundi ang ibalik ito sa may kama. Ngunit hindi pa siya nakakaayos ng tayo pagkatapos nitong ilagay ang dalaga nang bigla naman nitong hinuli ang kanyang braso at hinila siya papalapit dito. Tumama ang mukha ng binata sa gitna ng may kalakihang bundok ng dalaga na naging dahilan n

