•Eychan• Inis na sinipa ni Thunder ang kotse niyang flat ang nasa unahang gulong. Tumingin siya sa akin habang umiiling at hinila ang batok ko para isandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. "Eychan, kailangan nating maglakad ngayon," mahinahon niyang saad. "Parte ba ito sa sinabi ni Uno sa atin?" tanong ko sa kanya, dahil iba naman iyong napagkasunduan kanina. Balak namin na mapahinto sa may madilim na bahagi ng daan habang papunta sa condo nito. "May ibang bumutas ng gulong ko. Hindi ko alam kung may galit ba ito sa akin dahil pinagsaksak naman iyon ng kutsilyo, but please don't panic, Ali." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa iba pang kotse na naka-park doon. "Hindi natin pwedeng hayaan ang mga taong ito na patuloy tayong tatakutin, Ali." Tumangi-tango ako at bumuntong-h

