•Thunder• "Ano kailangan niyo sa amin?" galit na sigaw ko sa mga taong papalapit sa akin. Nanghihina na ang katawan ko sa bawat malalakas na suntok na ibinigay ko sa kanila at ang mga suntok na natatamo ko mula rito. Kumunot ang aking noo nang marinig ko silang magtawanan. "Hindi naman ikaw ang kailangan namin kundi ang babaeng kasama mo. Limpak-limpak na salapi ang makukuha namin sa anak ng mga Kim na iyon." Bakit ba parami nang parami ang mga kalaban namin ni hindi pa nga namin malaman kung sino ang utak nang nagdaang nangyari ngayon ito na naman. Pero bakit nila sinasabi na anak ng mga Kim? Hindi ba at ulila na si Eychan? "Nagkakamali kayo ng taong hinahabol. Ulilang lubos na ang nobya ko kaya wala siyang koneksyon sa inyo!" Hindi ko hahayaan na mapahamak si Eychan dahil lang sa ta

