•Eychan• Kaagad kong hinawakan si Tristan sa kanyang balikat nang bigla itong lumuluhod habang humihikbi. Minsan lang ako makakita ng lalaking umiiyak, kaya mas lalong sumasakit ang puso ko kapag nangyari iyon. Dahil ginagawa lang nila iyon kapag hindi na talaga nila kaya ang problema. "Sabihin niyo sa akin, Eychan, na hindi totoong kritikal ngayon ang buhay ni Rafael?" Pinahid nito ang pawis at luhang tumulo sa kanyang pisngi at unti-unting itinaas ang tingin para tingnan kami ni Thunder. Napatingin ako sa huli nang bigla nitong hinawakan ang kamay ng kaibigan at pinatayo ito mula sa pagkakaluhod. "Totoo iyon, Tristan, pero alam naman natin pareho na kakayanin iyon ni Rafael hindi ba? Sa ngayon mas kailangan niya mag prayer natin kaysa sa pag-iyak." Tumango ako sa sinabi ni Thunder bi

