•Eychan• "I'm sorry, Eychan, hindi ko rin alam kung anong nangyari dahil nawalan din ako ng malay nang mangyari ang krimen na ito," mahinahong bulong nito sa akin. Napahawak ako sa kanyang braso nang marinig ang kanyang sinabi. Pare-pareho ba kaming bumagsak ng mga oras na iyon? Dahil ba iyon sa wine na ininom namin? Dahil iyon lang din naman ang dahilan kung bakit ako nakaramdam ng antok. "Sila King, Uno, at Tristan? Nasaan sila, Thunder? May nangyari rin bang masama sa kanila?" agaran kong tanong. Sila pa naman ang nakita kong maraming nainom kanina. "Kumusta na ang kalagayan ni Rafael?" "Nang tingnan ng mga pulis ang wine sa basong iniinom natin kanina ay nalaman nilang may drugs na nakalagay sa loob kaya dinala nila iyong sisidlan para imbestigahan." Tumigil ito sa pagsasalita at

