•Eychan• Nanailing kami pareho ni Thalia nang marinig namin ang iba't-ibang tono ng boses ng mga kasamahan naming lalaki, habang sinasabayan ang kanta na tumutugtog sa radyo na bagong bukas lang ni King. "Ang ingay niyo po ang pangit pa ng mga boses ninyo!" walang-hiyang reklamo ni Thalia sa kanila. Nagsilingunan naman ang mga lalaki sa kanya maliban kay Uno na nakapokus pa rin sa pagmamaneho. "Anong tinitingin niyo r'yan? Totoo naman kasi hindi niyo ba naririnig ang mga boses ninyo?" Napatili si Thalia nang tapunan ito ng neck pillow ni Tristan. Tumama pa naman iyon sa kanyang noo kaya tiningnan niya kaagad ang huli nang masama. Nakagat ko naman ang aking labi para pigilan ang pag-tawa at baka magtampo ito sa akin. "Eychan, inaaway ako ng mga kaibigan mo!" reklamo niya sabay hawak sa

