•Eychan• "Eychan, gising na. You need take a bath malapit na ang class time?" Kumunot ang aking noo sa narinig. Pagmulat ko ng aking mata ay nakita ko si Thunder na nakaupo sa gilid ng aking kama habang may malapad na ngiti. He smiled and brushed my hair using his left hand. "You're beautiful. Halika na kumain na tayo ng breakfast." Bumuntong-hininga ako at tumayo na sa kama. Inabot ko ang kanyang kamay na nakalahad at sabay na kaming lumabas ng kwarto. "Umaga na ba talaga kaagad? Kakatulog ko lang kanina, eh," reklamo ko sa kanya habang hawak-hawak ang kanyang braso. Huminto naman siya sa paglalakad at tiningnan ako. Yumuko pa ito ng kaunti para magkapantay kaming dalawa. "Umaga na po, Ms. Kim, tinulugan mo pa nga ako kagabi 'di ba?" Natuptop ko ang aking kamay sabay tingin sa kanya.

