•Eychan• "Mama," mahina kong usal para kunin ang atensyon nito. Nakita ko ang pagsuri ng tingin ni tita sa kabuuan ni mama at nginisihan ito. "Sigurado ka ba sa nabingwit mong 'yan? Baka traydorin ka lang n'yan katulad nang ginawa niya sa anak ko," mariin niyang saad. Nilingon ako ni mama, akala ko ay papagalitan ako nito o susumbatan, ngunit dumapo ang kamay nito sa aking pisngi at hinaplos ang natamaang bahagi bago muling nilingon sila Ianne. "Kung may kasalanan man siyang nagawa sa'yo pwede niyo naman siyang kausapin nang mahinahon. Bakit kailangan mo pa na manakit?" taas-kilay nitong tanong. "Hindi ko papahintulutan na saktan niyo ulit si Eychan. Simula nang naging nobya siya nang anak ko ay anak ko na rin siya naiintindihan mo?" Sarkastikong natawa si tita at umiling bago ako din

