•Eychan• Hinawakan ko ang kamay ni Thunder para patigilin ito sa paglalakad. Gusto kong kausapin ang taong nakabangga sa amin para masigurado ko na wala nga itong kinalaman sa mga taong may balak na masama sa amin. "May problema ka ba, Ali? Kailangan kitang dalhin sa clinic at baka mapano iyang napaso mong balat," saad ni Thunder. Mahina kong tinampal ang kanyang balikat para ibaba niya ako dahil aalis na sana ang lalaking iyon. "Saglit lang!" tawag ko sa atensyon nito nang maibaba na ako ni Thunder. Nakita ko ang kabang dumaan sa kanyang mga mata nang lumingon siya sa akin. "Pwede ba na lumapit ka muna rito saglit? Kailangan lang kitang makausap?" Kung aksidente lang ang nangyari ay wala naman itong dapat ikabahala. Mapapatawad ko naman siya kapag ganoon, dahil lahat naman ng tao ay

