Tina Andito ako ngayon sa harap ng condo ni Tyronne. Kakatok na sana ako ng marinig kong tumunog ang telepono ko. "Hello, Mark? Napatawag ka?" "Wala siya sa condo niya, Tina. Nasa bar siya at nagpapakalunod na naman sa alak." pag-iimporma nito sa akin. "Salamat, Mark. Sa katunayan ay nandito na ako sa harap ng condo niya. Pupuntahan ko nalang siya." "Be ready, Tina. Do you want me to accompany you?" umiling ako sa sinabi niya. "Kaya ko na, Mark. Baka pag nakita ka niya ay mas lalo niya akong hindi pakinggan." sabi ko dito at nagsimula nang umalis sa kinatatayuan ko. "Okay, just give me a call if you need anything." "Thank you, Mark. I can manage. Got to go, Mark." paalam ko dito. "Okay, drive safely, Tina. Goodluck." huling sabi nito bago ko tuluyang pinatay ang tawag. Pagkasakay

