Tina Ilang araw na akong pabalik balik sa condo nito at sa bar. Pero ni minsan ay hindi niya ako hinarap. Araw-araw akong nananatili sa labas ng condo niya, lalo na kung alam ko na nasa loob ito. Katulad ngayon, may dala akong pagkain para sa kanya. Nakakailang katok na ako pero hindi pa din niya binubukas. Napayuko nalang ako dahil sa araw-araw na pagpunta ko dito ay hindi ko magawang matulog sa pag iisip. Maaga akong nagtutungo dito pero late na akong umuuwi. Minsan nga ay inaabot pa ako ng madaling araw. Nanghihina akong napaupo sa gilid ng pinto nito at inilagay sa kandungan ko ang pagkaing dala ko. Sa isang linggo kasing pagsuyo ko dito ay ni minsan hindi niya ako kinausap. Nagkukulong lamang ito sa loob ng condo niya. Naririnig ko ang paglagabog sa loob pero wala naman akong magaw

